Natigilan ako.
Tsk. Nakakatawa talaga 'tong mga 'to.
"Bakit tatawagan mo pa.'Wag na hoy! Baka ano pa isipin non." sabi ko.
"Wala 'yun. Parang hindi naman kayo naging magkaibigan."
"Bahala kayo."
Maya-maya nga dumating na 'yung hinihintay nila. Natatawa talaga ako kasi pakiramdam ko, akala nila hindi pa 'ko nakakamove-on. Pero sa totoo lang, sobrang tagal ko nang nakalimot. Almost 3years ago na 'yon. At masasabi ko ng okay na ako.
"Kamusta kana?" Si Rj.
"Hahaha. Ano sa tingin mo? S'yempre okay lang. Sana, ikaw din." May laman ang pagkakasabi kong iyon sa kanya.
Nasa bundok kami, malapit sa likod ng bahay nila Rachelle. Mukhang sinadya talaga nilang iwan kami para makapag-usap. Haynako.
"Oh, gabi na. 'Di kapa uuwi? Mapapagalitan ka." Maya maya'y sabi niya.
"Bakit ako papagalitan at sino ang magagalit? Tsk. Naglayas na'ko. 8months na. May sarili na akong buhay." 'Di ko alam kong dapat ko pa bang ipaalam 'yon sa kanya.
"Ha?!" Gulat na gulat na sambit niya.
"Oh, bakit? Hahaha. Oo nga. Pero masaya naman ako. At okay lang din naman ako kaya hindi mo na kailangan magulat d'yan. Hahaha." Sobrang natawa talaga ako sa ekspresyon ng mukha niya.
"Anong pumasok sa utak mo at ginawa mo yan?" Tanong niya.
"Ah, sabihin na lang natin na ayaw ko na samin. Hehehe."
Buti naman dahil wala na akong narinig na sagot niya bago dumating sila Jhu. Kasama na niya sila Carl, Rhoy, at si Renz. Lahat sila lesbian. Mababait naman ang mga kaibigan ko kahit tiboli silang lahat. Tanging si RJ lang ang lalakeng kasama namin ng mga sandaling 'yun.
"Tara, punta tayo sa bahay. Para makilala mo ang asawa ko." Sabi ni Carl. Tumango ako at umangkas na'ko sa motor ni Jhu. Lahat naman sila may kanya kanyang motor. Edi wow.
Naipakilala na sakin ang asawa niya. Okay lang din. Mabait. At nagprisintang p'wede ako makitulog dun dahil tatlo lang naman silang nakatira dun. Kasama ang ate ni Carl. At lesbian din. Pumayag na ako kesa uuwi pa 'ko. Gabi na.
Napakasaya ko. Napakasaya namin. Namiss ko sila. Buti na lang talaga naisipan kong pumunta dito. Sana dati pa pala.
Uuwi na'ko kila Marie. Babalik na lang siguro ulit ako kapag may pamasahe na ulit ako papunta dito.
Hinatid nila ako sa sakayan. At sinabing bumalik ako sa isaw araw. Umoo ako, kahit 'di ko naman sigurado kong my pera nga ako nun.
"Saan ka ba galing Greys?" Tanong ni Marie.
"Gumala ako sa mga dati kong kaibigan. Bakit?"
"Pumasyal sila Mark at Mara dito. Hinahanap ka din nila. Alam na kasi nila dito ka na din nakatira."
"Ha? Talaga? Naku, sayang naman. Namimiss ko yung mga yun e bakit nataon pang wala ako. Haynako."
"Text mo na lang sila." Natatawang sabi ni Marie. Wala akong load. Baka sa susunod na lang 'pag my pangload na ako.
BINABASA MO ANG
Let's fall In Love♥
Teen FictionI’m the pen. You’re the paper. Together, let’s write our own happily ever after.