Part Five - Tagpo

17 0 0
                                    

A/N:

Sorryyy guys! Its been to long to UD ! Please forgive me. Huhu

Well, im kinda busy. Hehe. Enjoy reading.

Sorry for this short UD . Hihi
Just comment, share and vote. TY!

-KG♥

Let's Fall In Love
ⓒ2015

***************************

Ilang minuto na ba akong naghihintay dito...Ang tagal tagal ni Rachelle. Inaantok na'ko.

Ang bigat ng talukap ko at talagang inaantok na akong maghintay. Konting konti na lang makakatulog na ako nang dumating sila. Nagulat pa ako dahil sa ingay ng motor nila.

Unang dumating si Rachelle at Jhu. Pero may babalikan pa daw siyang iba kaya nagpaiwan na si Rachelle.

"Ang tagal-tagal mo. Inaantok na 'ko."

"Haha. Eto magmeryenda kana." At inabot sakin ang tupperware na may lamang sopas. Mukang masarap ah.

Kumuha ako ng kutsara sa loob at sabay inalok na rin sila Car. Kaso umuo lang sila dahil natutulog pa sila.

Ang sarap ng pagkakaluto ng sopas, hindi naman ako gutom pero hindi ko namalayan na naubos ko na pala. Dumating na sila. Kasama sila Renz, Rhoy, at meron pang isa pero hindi ko kilala, lesbian din.

Pinakilala sakin ung kasama nila. Hindi naman ako tinapunan ng tingin, tumango lang. Ok lang, wala naman ako pakelam.

Nagsindi ng sigarilyo si Jhu. Humingi ako ng isa. Hindi naman ako gaanung gumagamit ng ganun pero minsan kasi parang naeengganyo akong sumindi lalo na kung may kasama akong naninigarilyo din.

Nanungkit sila ng mangga, ang dami. Kumain naman din siguro sila ng sopas tapos kakain ng mangga. Natutuwa akong nakatingin sa kanila, ang saya saya nila lalo na lumabas na sila Carl.

Pagkatapos nun, nagyaya sila sa plaza, sa may gym. Magbasket ball daw. Ang saya nilang kasama parang wala ng bukas kung makatawa.

Nakaupo lang ako sa bench habang nanunuod sa kanila katabi ko asawa ni Carl. Tawa kami ng tawa dahil ang lalaki ng katawan nila, hirap na hirap sila umagaw ng bola sa isa't isa.

***********

Babago na lang ulit ako nagbasketball. Sigurado 'to mamaya sasakit mga kalamnan ko. Hindi naman namin seneseryoso yung laro, mas marami pa ang tawa namin kesa laro. Napakasaya.

Hindi ko naman sinasadya pero napatingin ako sa babaeng kasama nila. Hindi ko na maalala kung ano ang pangalan niya na binanggit kanina. Ngayon ko lang siya napansin, abala kasi ako sa pagbabalat ng mangga kaya di ko siya tinignan kanina.

Cute, tangos ng ilong.

Natawa ako bigla sa naisip ko, napatingin ako kay Renz na nakatingin din pala sakin. Ngumiti siya ng nakakaloko. Gago 'to ah, teka ang tagal ko bang nakatingin dun sa babae kaya ganun na lang siya makangiti? Tss!

Sa wakas nagyaya na sila umuwi. Ang pagod ko na. Pagabi na rin kasi kaya uuwi na kami, dumeretso muna kami dun kila Carl para uminom ng tubig.

Napatingin na naman ako don sa babae, nagsindi ng yosi. Tss

"Oy, matunaw. Gusto mo?" Nagulat ako sa tanong ni Renz. Bigla bigla nasa likod ko na.

"Ok na sana eh. Kaso nag-yoyosi." Nag-uusap kami sa labas habang nakatingin ulit dun sa babae.

"Sus. Mapapabago mo rin yan." Sabi nya at umalis na sa tabi ko.

Naisip ko wala naman sigurong masama kung susubukan kong kilalanin, kahit medyo turn off ako.

************

Gabi na kaya umuwi na sila, dito ulit ako matutulog kila Carl. Ok lang naman sakanila yun parang gusto pa nga nila na hindi na ko uuwi.

Kakatapos namin kumain, tumambay ako sa labas. Hindi naman gaanong madilim kahit walang ilaw, maliwanag naman kasi ang buwan.

Musta na kaya 'yun.

Naiiyak ako kapag naiisip ko 'yung huling pagkakataon na kasama ko siya. Hindi man lang niya nalaman na wala na akong magagamit na cellphone. Siguro ang dami na nyang text sa akin, o baka sinusubukan din niya 'kong tawagan. Haynako.

Naisip ko nang pumasok, medyo malamok na kasi. Iisipin ko na lang siya sa pagtulog ko baka mapanaginipan ko siya.

************

Aga namin gumala nila Renz, ang punta namin, don kila Carl. Pansin ko laging nakangiti sa akin si Renz at Jhu. Anong problema nila 'to?

Napansin ko pagdating namin, nagbubulungan sila pati si Carl nakangiti na rin nang sumulyap sa akin. Aba gago tong mga to ah!

"Hoy ano ba?" Sabi ko sakanila. Bigla silang naghiwa-hiwalay. Kanya kanyang gawa na.

"Callz, pagbutihin mo ha? Wag kang mag-alala, tutulungan ka namin." Napatanga ako sa sinabi ni Jhu. Gago talaga tong Renz na 'to. Agad agad binalita sa lahat. Tinignan ko ng masama si Renz habang nakangiti sa akin.

Ugh! Sarap mong kutusan Renz!

Nagulat ako nang lumabas na si ano. Hindi ko talaga matandaan pangalan niya. Isa isa kong tinignan mga kaibigan ko na nakatingin sa akin habang nakangiti na parang nang-aasar talaga.

Buti na lang tinawag siya ng asawa ni Carl. Ayun alam ko na pangalan niya.

Greys.

Napangiti na din ako sabay tingin sa mga kaibigan ko. Loko loko talaga kayo.

*********************************

Sorry guys! Hihi. Til next UD!

-KG♥

LFIL
ⓒ2015

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let's fall In Love♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon