Pigil ang hininga ko habang naghihintay ng isasagot niya. Narinig kong huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"Greys, aalis ako.
Pero 'wag ka mag-alala, babalik din ako agad." Sagot niya.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang dapat isagot sa sinabi niya. Tumingin ako sa malayo. Naiiyak ako.
"Kailangan kong umalis, nadestino ako sa Maynila. Sana hindi ka magagalit." Sabi pa niya.
Tumulo ang luhang kanina pa gustong kumawala.
"Wala naman akong magagawa kung kailangan talaga. Hindi naman pwedeng pigilan kita." Naiiyak na sagot ko sa kanya. Parang ang OA ko naman dahil maynila lang naman pala ang pupuntahan niya pero parang pakiramdam ko mag-aabroad siya.
"Babalik ako Greys. Siguro tatlong buwan ako dun. Tatawagan naman kita kapag may pagkakataon ako, pangako." Ani niya.
Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"Tatlong buwan lang pala. Kaya yon, minsan lang din naman tayo magkita kahit andito ka lang.""Sabagay. Pasensiya kana, baka iniisip mong hindi na kita mahal? Napakadalang nga kasi." Sabi niya.
"Ayos lang 'yun. Hindi ko naman iniisip iyon. Alam ko namang mahal mo ako 'di ba?" Galing sa puso ang sinabi ko na iyon.
"Oo. Kaya nga nagsisikap ako para sa atin. 'Wag ka ng malungkot." Nakangiting sambit niya.
Ngumiti lang din ako sa sinagot niya. Hindi na ako nagsalita. Nakatingin na ulit ako sa napakalawak na dagat na nasa harapan namin. Pinangako niyang babalik siya, 'yon na lang ang panghahawakan ko sa ngayon. Tatlong buwan lang, pero para sa akin tatlong taon 'yon. Nakakalungkot.
Bumalik na kami sa bahay nila. Pagabi na rin kaya kailangan ko na umuwi. Binati ko na lang ulit si Charlie, halos ayaw pa ako pauwiin dahil hindi nga naman kami nakapagkwentuhan kahit saglit.
"Marami namang pagkakataon, babalik na lang ulit ako kapag nandito na ulit si Chris. Oh pa'no, uwi na 'ko ha? Happy birthday na lang." Yun lang at umangkas na ako sa motor ni Chris. At Umandar na.
Nasa harap na kami ng bahay nila Marie. Nakababa na rin ako nang bigla siyang magsalita.
"Mahal kita Greys. Sana pagbalik ko hindi ka magbabago."
"Mahal din naman kita. Sana nga bumalik ka din agad." Nakangiti ako sa kanya.
"Oo, babalik ako. Pangako."
Nagpaalam na siya, pumasok na rin ako sa loob. Dumiretso na ako sa higaan ko pagkapalit ko. Hindi na ako kakain, busog naman na ako.
Nakalimutan kong sabihin kay Chris na mag-iingat siya doon. Ni hindi ko alam kung kailan ba siya aalis. Wala naman akong load para sana itext ko siya. Bigla akong inantok kaya umayos na ako at pumikit na.
Nagising ako, sinilip ko ang oras sa cellphone ko. 2:45 ng madaling araw. Nagulat ako, may tumatawag sa cellphone kong hawak ko pa rin. Si Chris.
Lumabas ako at sinagot.
"Sorry nagising kita. Ba-byahe na ako ngayon kaya tumawag ako."
Naiiyak na naman ako. Pero hindi ko pinahalata sa kanya dahil ayaw kong isip-isipin niya 'yon hanggang sa Maynila.
"Ikaw talaga, mag-iingat ka doon ha? Ayos lang ako dito.""Oo ikaw din, alagaan mo ang sarili mo. Tatawag ako sayo 'wag ka mag-alala."
"Sige."
"Iloveyou Greys. Bye." Pinutol ko na, baka kasi mahalata niyang umiiyak na ako.
Sana mabilis lang ang panahon para bukas pauwi na siya. Hihintayin ko siya, nangako siyang babalik siya.
Maaga akong nagising para makapagwalis ng mga dahon dahon sa likod ng bahay.
Darating nga pala ngayon 'yong bibili ng cellphone ko. Nanlambot ako, pano na 'ko tatawagan ni Chris. Nahihiya naman akong bawiin ang napag-usapan namin ng bibili.
Bahala na si batman.
Tanghali na nung dumating si Kuya Bert. Bibili ng cellphone ko. Wala na akong nagawa dahil inaasahan din naman niya ang usapan namin kaya hindi na ako tumanggi, kinuha na niya. Inabot ang pera at umalis na.
Kawawa naman ako. Hindi bale, makikigamit na lang ako kay Marie para kamustahin si Chris. Papayag naman 'yon.
Pumunta ako ng palengke para bumili ng mga pangangailangan ko at kaunting gamit para sa anak ni Marie.
Naalala ko, ngayon nga pala ako pinapabalik nila Jhu sa lugar nila. Pupunta ako, wala naman akong gagawin. Magdadala na lang ako ng damit ko kung sakaling hindi nila ako pauwiin. Excited na ako. Namimiss ko na din naman sila.
"Wala yatang tao dito." Nakasarado kasi ang bahay nila Carl at parang tahimik. Sa kanila na ako dumiretso dahil wala naman sigurong problema.
"Tuloy ka. Nakahiga kami. Pumasok kana, hindi naman nalock yan." Narinig kong sabi ni Evelyn mula sa loob, asawa ni Carl.
Tumuloy na ako gaya ng pagkakasabi niya.
"Kala ko walang tao eh, uuwi na sana ako." Nadatnan ko ngang nakahiga sila ni Carl.
"Hehe. Nagpapahinga kami eh. Nakakaantok kasi." Sabi ni Carl.
"Oh sige. Sa labas na muna ako." Nagpaalam na muna ako, nakakailang kasi kung andoon ako. Hiniram ko na lang ang cellphone nila para itext sila Rachelle.
Naupo ako sa may upuan sa ilalim ng punong mangga nila. Ang sarap magpahinga dito, ang presko.
Nagtext na ako kay Rachelle, pinaalam kong dumating na ako. Sigurado marami na siyang text sa sim ko, hindi niya alam wala na akong cellphone. At tama nga ako, dahil kanina pa daw siya nagtetext sa akin.
Papunta na daw sila. Nagbiro akong magdala sila ng meryenda. Magdadala daw, pero ewan kung totoo. Napangiti na lang ako.
Sana dumating na sila. Walang makausap eh.
********************************
Hi again. Sorry for this short update. Enjoy guys.
Loveya! Ty
~KG♥️
Let's Fall In love
Copyright 2015
BINABASA MO ANG
Let's fall In Love♥
Teen FictionI’m the pen. You’re the paper. Together, let’s write our own happily ever after.