Part Four - Bakasyon

27 1 0
                                    

Author's Note:

Hey people! Sorry for the short POV of Greys. I wanna go for someone's POV! wohooo! lol

Hope you all enjoy this. You better start reading and please VOTE, COMMENT and SHARE. TY

Loveya! :'))

~KG♥

Let's Fall In Love
Copyright2015

***************************

Pilipinas..... Sa wakas.

Mahigit dalawang taon din akong nanirahan at nagtrabaho dito. Sa wakas, uuwi na ako.

Maayos naman at masaya dito. Kasama ang ate at mga pinsan ko. Nagtatrabaho ako pero hindi sa isang kompanya o pabrika. Kinuha ako ng pinsan ko dito para mag-alaga ng anak nya. Okay lang naman sa akin na iwan ang trabaho ko sa Pilipinas para pumunta dito. Kamag-anak ko naman ang kasama ko kaya hindi naman ako masyadong nahirapan.

Pero bago ang lahat, magpapakilala muna ako.

Callz ang tawag ng lahat sa 'kin. Hindi naman na siguro mahalaga ang buo kong pangalan. 30 taong gulang na, pero karamihan sa aking kilala sinasabing hindi naman daw halata.

Isa akong lesbian, tibo, tomboy o kahit na ano pang gusto nilang itawag sa katauhan ko. Ang mahalaga ako ito, at masaya ako sa buhay ko.

Nakatingin ako sa screen ng laptop, nagbukas ako ng facebook ko. May message.

"Musta?"

Ikinagulat ko naman bigla ang mensahe na 'yon. Napakatagal na panahon bago ko ulit nakita ang pangalan nya sa messenger ko.

Nagreply ako.
"Ok lang. Ikaw?"

"Ok lang din naman."

Wala na sana akong balak mgreply pa sa sinabi niyang 'yon. Pero labis ko nang ikinagulat ang sumunod na mensahe niya.

"May sasabihin ako sa'yo........ Ahm, paano kung makipagbalikan ako sayo. Tatanggapin mo pa rin ba ako?"

Sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa tanong niyang 'yon. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko ng mga sandaling 'yon. Pero nagreply pa rin ako.

"Hindi ba meron ka nang iba? Hindi ba pinagpalit mo na ako sa kanya? Ano na lang ang mararamdaman niya? Gagawin mo din ba sa kaniya 'yung ginawa mo sa 'kin?"

Totoong pinagpalit niya ako habang kami pa nu'n. 'Di ko alam kung bakit naramdaman ko na lang bigla na parang wala na siyang gana sa relasyon namin. Tinanong ko siya ng isang beses. Umamin siya, meron na siyang iba.

Long distance ang relasyon namin. At tanging cellphone lang ang nag-uugnay sa 'min, dahil nasa Hongkong siya ng mga panahon na iyon.

Umabot kami ng tatlong taon at bilang na bilang ang pagkakataon na magkasama kami. Mahirap para sa akin ang sitwasyon namin. Napakalayo niya at mahal ang load para makapag-usap kami ng matagal kaya napakadalang niyang tumawag nu'n.

Naalala ko noon, umiiyak ako habang sinasabi niyang may mahal na siya, at andoon din sa lugar na 'yun. Masakit dahil iniisip kong ako siguro ang may pagkukulang. Wala ako sa tabi niya lagi at hindi ko magawang alagaan siya. Pero sana sinabi niya sa akin, hindi na sana niya ako hinintay na magtanong pa sa kanya.

Tatlong taon na nauwi sa wala. Minahal ko siya kahit napakahirap ng estado ng relasyon namin pero ginago niya lang ako. Yun ang pinakamasakit.

Tapos, ngayong nakalimot na ako, saka siya magpaparamdam. Nakalimutan ko na ang lahat ng sakit, kaya ayoko na. Masaya na ako. Nakamove on na ako. Wala na akong pakialam sa nararamdaman niya.

Nag-log out na ako. Hindi naman na siya sumagot sa sinabi ko. Tama lang 'yon dahil wala na 'kong pakialam.

Excited na kong mag-impake ng mga gamit ko dahil mamayang gabi na ang flight ko pauwi ng Pilipinas.

Ano na kayang hitsura nila. Hehe.

7:00 pm. Nasa airport na ako. Isang oras na lang aalis na 'ko dito sa Dubai.

Hinatid ako ng mga pinsan at ng Ate ko. Natutuwa ako dahil kahit papaano makakatulong ang pag-uwi ko sa Ate ko. Siya ang papalit sa akin na mag-alaga sa pamangkin ko. Naiintindihan ko naman dahil may anak siyang kailangang mag-aral. Para naman may maipangtustos siya. At ako, dun na muna ako. Namimiss ko na din ang papa at mga kuya ko at syempre ang mga pamangkin ko.

"Callz, mag-iingat ka do'n ha. Mamimiss ka namin dito."

'Yun ang huling narinig ko bago ako sumakay ng eroplano. Napakasaya ko dahil sabik na sabik na akong umuwi.

9hours din ang itinagal ng byahe. Nakarating na ako ng maynila. Ngayon sasakay na ako ng bus pauwi ng probinsya namin.

Alas siyete na ng gabi ng makarating ako sa bahay namin. Ganoon pa din, wala pa din nagbago. Magiliw silang lahat sa pagdating ko, nakakatuwa.

Matapos ang mahaba habang kwentuhan ay natulog na ako. Nakakapagod pero okay lang, masaya ako.

Tuwang tuwa ang bespren ko ng makita ako. Si Renz, payat pa din gaya ng dati. Sabagay ako din sobrang natutuwa dahil makulit pa din siya.

"Callz, gala tayo. Kasama sila Rachelle." Yaya niya.

"Sige. Tara." Pinuntahan na namin sila. Nag-iinum pala sila nang datnan namin.

"Shot tayo Callz." Sabay sabay nilang sabi sa akin.

Hindi ako umiinom. Kahit kailan hindi ko nagustuhan ang lasa ng alak. Kaya tumanggi ako.

"Kesa sayangin niyo ang pera niyo sa alak, pagkain na lang sana binili niyo. Nabusog pa tayo." Tinawanan lang nila ako.

Tuwing gagala kaming magkakaibigan, hindi nawawala ang alak, lagi nilang kasama. Sabagay ganyan naman talaga sila.

Pabyahe ako ng Bulacan bukas kaya huling gabi ko na naman dito sa bahay namin. Hindi ko pa kasi nabibisita ang mga pamangkin ko dun. Doon kasi nakapangasawa ang isa kong ate. Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik dito, siguro ilang araw lang din ako doon.

Lumipas ang dalawang linggo na tinagal ko dun sa Bulacan. Malapit na ako sa bahay namin nang makita ko sila Renz, Rhoy, at Rachelle na magkakasama sa bahay nila Rhoy. Nakita nila ako.

"Callz, balik ka dito. Kain tayo sopas. Nagluto kami." Si Rhoy.

"Oo, babalik ako. Magpapalit lang ako."

Pabalik na 'ko kela Rhoy. Totoong may sopas, akala ko nagbibiro lang sila.

Magkasalo kami ni Renz sa isang mangkok, madalas talaga kaming ganito. Kumakain kami habang nagkakatawanan kaming apat.

"Hala, nagtext si Greys. Natuloy pala siyang pumunta dito. Andoon siya kela Carl." Maya maya'y sabi ni Rachelle.

"Sino 'yun?" Tanong ko.

"Chicks ni Rachelle. Hahaha." Natatawang sabi ni Renz.

Natatawa kami dahil natataranta na naman si Rachelle pagdating talaga sa mga chiks. Kinikilig pa nga habang inaasar namin. Atat na atat nang pumunta kela Carl.

"Meron pa bang sopas? Para dalhan din sana siya." Sabi ni Rachelle.

Meron pa naman kaso wala nang kasabaw sabaw. Si Renz kasi nilagay lahat sa mangkok namin. Naisipan namin 'yun na lang ang ibigay. Nagtatawanan tuloy kaming dalawa habang sinasalin sa tupper ware ang sabaw na nasa mangkok namin.

Pagkatapos, sabay sabay na kaming pumunta doon kela Carl.

*********************************

Hi guys. What do you think? Uhmn. Comment please.

Loveya! Ty

~KG♥

Let's Fall In Love
Copyright2015

Let's fall In Love♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon