Chapter 19 - Parents (Part 1)

273 12 0
                                    

"Kumuha ka pa ng isa." utos ko uli sa kanya.

"Tangna naman. Kanina pa ako pabalik balik ah." reklamo niya.

"E kasi naman. Ah basta!" sabi ko nalang habang alo alo ang bata sa braso ko.

Mabuti nalang talaga ay hindi masyadong iyakin 'tong batang 'to dahil kung hindi ay baka hindi pa kami nagkakaroon ng sariling anak ni Yvo ay malusyang na lang ako bigla.

Wala nga akong alam sa pag-aalaga ng bata. Hindi ko rin alam kung papaano lalo narin 'tong asawa ko kaya sinama namin si Manang para tulungan kami sa pag-aasikaso.

Dalawang linggo bago namin nakuha si Baby Daffodil sa Ospital. Hihintayin daw muna nilang may kumilala sa bata at sa bangkay nung nanganak pero walang dumating. Kami pa mismo ang nagpalibing sa kanya. Kawawa naman pero sana masaya siya ngayon dahil nasa mabuting mga kamay na ang kanyang pinakamamahal na anak.

"Hoy!" natigil ang malalim kong pag-iisip ng tumambad sa akin ang mukha ni Yvo.

"Ano ba?" sabi ko saka palis ng mukha niyang malapit sa akin. Baka kasi matukso ako eh masundan ng wala sa oras si Daffodil.

"Sarap mong sapakin. 'Lam mo yun?" aniya

"Sus. Subukan mo lang talaga."

"Talaga! Oh ano? Ano pa bang kailangan? Siguraduhin mo lang na wala na dahil sisiguraduhin ko sayong ikaw na mismo ang magmamaneho ng sarili mo papunta dito." pagsusungit niya

"E kung tanungin mo nalang kaya si Manang kung ano pang kulang? Tapos kung siya ang nakalimot, siya magmaneho mag-isa pabalik dito?" suhestyon ko

"Ang dami mong dada! Bilisan mo ngang maglakad. Para kang ganso na nakaliyad dyan." saad niya saka nilagpasan agad ako.

"Aba! Akala--Hays! Tinaguan na ako ng loko." napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Maam, ito pa po." ani ni Manang saka lapag ng mga kinuha niya na hindi ko alam kung para saan ang mga yun.

"Sige, pakilagay po nalang sa push cart." sabi ko.

"Ako na pong kakarga sa bata." prisenta ni Manang kaya binigay ko agad. Nangangawit na kasi ang mga braso ko.

"Nasaan na nga ba si Yvo?" tanong ko.

"Baka may kinuha lang po." sagot naman ni Manang

"Pipila na ba tayo sa counter?"

"Kayo po."

"Sige na nga. Tara na baka humaba pa lalo yung pila kawawa si baby."

Pumila na kami sa hindi kahabaang pila para narin hindi mainip yung baby. Bahala na si Yvo kung anumang binibili niya. Ang dami kasing arte. Ang tamad pang kumarga ng bata. Hay naku naman ang lalaking yun. Teka? Baka naman nagbabae na yun ng hindi ko alam ah? Baka pinagtataksilan na ako ng asawa ko? Subukan niya lang. Makakatikim talaga sa akin yung lalaking yun.

Pagkatapos naming magbayad ay pinauna ko na sila Manang at baby sa bahay. Kailangan ko pang hagilapin yung asawa ko baka kasi kung ano na namang ginagawa sa buhay nun.

Nakailang tawag na ako pero hindi parin niya sinasagot. Ano ba? Umuwi na naman bang mag-isa yun? Iniwanan na naman ako? Ang hilig niyang mang-iwan ah. Tsk. E kung siya kaya iwan ko? Pero syempre hindi ko gagawin yun baka kasi magdiwang pa yung mga babaeng katulad ni Cici.

Umakyat akyat ako sa escalator hanggang sa mapadpad ako sa iba't ibang floor pataas ng pataas. Mula Mens Department, Accesorries Department pero nahinto rin ako sa Third Floor.

Nakita ko siyang may kausap na babae.

Sinasabi ko na nga ba.

Nambababae na naman siya!

My Troublesome Guy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon