"Pakibilisan naman Yvo!" sigaw ko sa natatarantang asawa ko
Ang bagal bagal kasing kumilos!
"Fvck! How can I do this kung sumisigaw ka?! At ano na nga uli yung sukat ng maligamgam na tubig?" sagot niya
"Number 3 lang! Bilisan mo! Gutom na si Baby Daff! Kanina pa umiiyak!" pagmamadali ko
"Tangna! Ilang scoop ba dapat? Tatlo rin ba?"
"Are you insane?! Isa lang!"
"Sandali. Tangna talaga."
"Pwede bang huwag kang magmura?! Maririnig ka ng bata baka gayahin ka niya!" sigaw ko sa kanya kasi kanina pa siya mura ng mura
"E ikaw rin naman pala ang tanga eh. Kita mong Baby pa yan tapos gagayahin agad ako? At kung mangyari man yun, matuwa ka na! Atleast alam na nating hindi siya Pipi!" katwiran niya
"Talagang hindi siya Pipi! Kasi naririnig mo siyang umiiyak! Alangan namang walang sound iyak niya at magtaka ka na kung marunong na siyang mag-sign language! Dun ka mabahala! Akin na nga yan!" bwelta ko sabay agaw ng bote ng gatas sa kanya.
"Tsk." sabi niya nalang saka papuntang pinto
"O? O? Saan ka na naman pupunta? Gagala ka na naman? Ano? Ako lang mag-aalaga kay Baby Daff? May anak ka na Yvo kaya umayos ka! Huwag kang mag-feeling binata pa!"
"Takte! Ang dami mo pang sinabi! Kukuha lang ako ng makakain mo sa baba!" aniya saka labas ng pinto na siya naman pasok ni Daddy na Daddy talaga ni Yvo.
"Nag-aaway na naman kayo? Healthy yan sa isang relasyon hahaha" biro pa nila sabay alo alo kay Baby Daff
"Lagi naman Dad eh. Pero sanay na ako sa ugali ng anak niyo." sagot ko habang pinapadede ang bata.
"Pareho kasi kayo kaya kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan."
"Siguro nga po Dad."
"Anong pangalan ni Baby?" tanong niya habang hawak hawak ang kamay ng bata
"Daffodil ang gustong ipangalan sa kanya ng yumao niyang ina." malungkot kong sagot.
"Sayang naman. Hindi man lang niya nasilayan ang maganda niyang anak."
"Oo nga po eh."
"Alam kong mapapalaki niyo siya ng maayos. Pero mas sasaya talaga ako kapag nagkaroon kayo ng sariling anak ni Yvo at sana lalaki para may tagapagmana na ako. Mukhang wala akong aasahan dyan sa asawa mo." sabi ni Dad kaya medyo namula ako
"Dad naman."
"I'm looking forward na magkaroon ako ng apo sa inyo. Huwag kang mag-alala. Kukuha ako ng Baby sitter ni Baby Daffodil para hindi kayo mawalan ni Yvo ng oras para sa isa't isa."
Natuwa ako sa sinabi ni Daddy. Baka nga kasi mas hindi ako bigyan na ng pansin ni Yvo kapag pareho na kaming abala sa pagpapalaki kay Baby Daff. Baka mawalan na kami ng oras para sa isa't isa.
"Ano na namang pinagsasabi mo Dad?" tanong ni Yvo kay Daddy na may dalang pinggan ng pagkain. Para tuloy akong nagutom ng wala sa oras.
Inilapag niya ang pagkain sa side table at hinarap si Daddy.
"Wala naman anak."
"O come on Dad. I've known you for so long."
Mukhang masarap yung pagkain. Amoy palang.
"Why? What did you expect me to do?"
Nakakagutom.
"Tsk. Playing safe again huh?"
BINABASA MO ANG
My Troublesome Guy ✔
RomanceMy Troublesome Guy, named Terrence meets Fliss. Paano kaya sila magkakamabutihan kung pareho sila ng ugali? Sino sa kanila ang susuko? at Sino ang magpapaubaya?