Chapter 22 - Pabebe

362 14 2
                                    

"Ang aga aga pero nakabusangot ka na?" suway ni Flaire

"Si Yvo kasi!"

"Nag-away na naman kayong mag-asawa?"

"Ano pa nga ba?" sabi ko ng papadyak padyak pa

"Wala namang bago dun."

"Tsk!"

"Gaya niyan."

Napalingon ako sa kanya, "Anong gaya niyan?"

"Nagagaya mo na yung, 'Tsk' niya. Kulang nalang pati yung 'Tangna. Sarap mong bangasan' niya ay magagaya mo na rin." aniya kaya naman hindi ko magawang hindi matawa.

Totoo naman kasi ang sinasabi niya.

Nahahawa na ako sa mga kalokohan ng asawa ko. Ano nga bang magagawa ko? Palagi na kasi kaming magkasama maliban lang ng eskwelahan. Bakit ba kasi sa ibang school ako in-enroll? Porke ba sa kanila yung Ence University kaya doon nalang nila ako itatapon nalang?

Hindi ako papayag na ganito lang. Magpapalipat talaga ako kay Papa (Ama ni Yvo). Magdadrama ako para lang mapapayag ko sila. Kailangan ko ng bakuran ang asawa ko baka kasi may may umaligid na namang kung sinu sinong linta sa kanya.

At isa pa, hindi pa kami tapos ni Yvo. Kailangan pa naming mag-usap lalo na't alam niya na nasa bar ako kagabi. Umalis ba naman ng hindi nagpapaalam. Akala ko ba dapat kaming maging responsable? Aba! Siya nga 'tong parang aso na aalis at babalik ng hindi nagpapaalam.

Mabuti nalang nandun si Manang at tahimik naman si Baby Daffodil kaya walang problema. Bakit kasi nagyaya pa 'tong babaeng 'to.

"Pagod na ako. Pahinga muna tayo." sabi ni Flaire.

"Kita mo 'to. Paaya aya ka dito sa mall tapos ikaw rin pala ang mapapagod agad?"

"Ang dami naman kasing tao. Ano bang meron ngayon? May event ba?" tanong niya ng palinga linga

"Anong malay ko? Bakit ako ang tinatanong mo? Magkasama tayo kaya malamang hindi ko rin alam."

"Alam mo kanina ka pa. Ang sungit sungit mo na. Grabe! Hawang hawa ka na talaga sa masungit mong asawa."

"Tsk."

"'Tsk' ka dyan." pabalik niya sa akin.

Natahimik nalang kami ng nagsidagsaan ang mga tao. Saan naman kaya sila pupunta? Ano ba talagang meron dito?

"Lumapit narin kaya tayo?" tanong ni Flaire

"Makikipagsiksikan ka dyan?" tukoy ko sa mga taong nagkakagulo na. Halos pasigaw na nga kaming mag-usap eh.

"Huwag ka ng mag-inarte. Tara na!" aniya saka hinila na ako bigla.

Nagkalasog lasog na ang katawan ko sa pakikipagsiksikan naming dalawa. Hindi pa siya nakontento ay umariba pa siya sa pinakaharap. To the point na nakakaapak na kami ng mga iba't ibang paa at nakakabunggo na kami ng kung sinu sino.

Tinatakpan ko nalang ang hinaharap ko para kung sakali ay hindi mahawakan ng kung sinu sino. I know that this is lame pero mabuti na 'to para sigurado. Protektahan dapat natin 'to.

"Hahaha."

Napatingin ako kay Flaire dahil sa biglaang pagtawa niya. "Itatakbo na ba kita sa mental?" tanong ko.

"E ikaw naman kasi. Bakit mo tinatakpan yang hinaharap mo?" malakas na pagkakasabi niya kaya naman narinig ng mga taong nakapaligid sa amin.

And worst, siksikan pa kami kaya hindi naman nila mapigilang mapatingin sa dibdib ko. Hays. Pahamak talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan.

My Troublesome Guy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon