Last Chapter - Her Troublesome Guy

182 8 0
                                    

Tama nga ang hinala ko. Nandito ang kotse niya. Patakbo akong nagtungo sa kwarto namin pero nagdahan-dahan rin ako. Mahina kong pinihit ang doorknob at unti unti kong pinasok ang aking ulo para silipin siya. Tulad nga ng inaasahan ko ay nakahiga siya sa kama at umiiyak.

Pumasok ako at humiga sa tabi niya. Niyakap ko siya mula sa likod.

"Sinong nagpaiyak sayo? Sabihin mo at babangasan ko!"

"Hindi mo siya kayang bangasan."

"Bakit naman? Walang hindi kaya kaya sa akin! Ako kaya si Terrence Yvo Fernando."

"Edi bangasan mo yang sarili mo!"

"Ha? Ako? Bakit sarili ko?" Maang maangan kong tanong

Umupo siya at humarap sa akin. "Ikaw ang nagpapaiyak sa akin. Itong tatandaan mo Yvo ha! Wala pang nagpaiyak sa akin ng ganito. Ikaw lang!" Sigaw niya saka hinampas ako ng hinampas ng unan pero hindi naman masakit.

"Aray! Ano bang problema mo? Ganyan ba talaga kayong mga babae?" Sabi ko pero syempre nagbibiro lang ako

"Eh ikaw? Ganyan din ba kayong mga lalaki? Ha?!" Sa pagkakataong ito ay ramdam ko na talagang galit nga talaga siya.

Tinignan ko siya at humilata. Nag-isip ako ng ilang minuto saka tumayo palabas.

"Saan ka pupunta?!"

Lumingon ako at sabing. "Aalis." Sagot ko.

"Hindi! Hindi ka aalis!" Sabi niya tapos hinila ako at tinulak sa kama. Nilock niya pa ang pinto.

"Ikukulong mo ako dito?"

"Oo! Dito ka lang! Hindi ka pwedeng lumabas!" Sigaw niya

Nakakatakot pala siyang magselos. Talagang ikukulong niya ako dito para hindi makaalis.

Natawa nalang ako sa kanya. Nahiga ako at tumagilid saka nakaunan ang ulo ko sa aking kamay.

"Anong nakakatawa Yvo?!"

"Grabe ka palang magselos." Sabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya

"Alam mo ang dahilan ng galit ko pero tuwang tuwa ka pa!" Galit niyang sigaw

Naglakad siya papuntang closet niya at lumabas din makaraan ang ilang minuto. Lumabas siyang may hawak na dalaqang mahabang tela na panati na buhok niya. Yung pang headband yata yun.

Lumapit siya sa akin at agad na itinali ang mga paa ko. "Yva! Anong ginagawa mo?!" Hindi ko magawang pumalag baka kasi matadyakan ko siya at umiyak na naman.

"Hindi ka aalis dito!" Seryoso niyang sabi

Pagkatapos niyang itali ang mga paa ko ay pati narin ang mga kamay ko. "Yva! Ano ba?"

"Hindi! Hindi ka pwedeng lumabas at hindi ka pwedeng umalis!" Sabi niya ng nakapamaywang habang nakatingin sa akin.

Lumapit siya sa akin at humiga sa tabi ko saka ako niyakap.

Naku. Baka lumala pa ang sitwasyon kapag wala akong gawin. Mahirap ng magbiro kailangan ko ng seryusuhin ito.

"Galit ka ba sa akin dahil kay Trina?"

Napatingin siya sa akin at kita ko ang nanlilisik niyang mga mata.

"Nakikitsismis ka nalang kasi hindi mo pa pinakinggan hanggang dulo."

Tinignan niya ako uli ng masama.

"Ikaw na yung mahal ko. Ikaw yung pinili ko kahit na nagmamakaawa siya sa aking balikan siya. Ikaw na ang babalik balikan ko Yva. Dahil mahal kita."

My Troublesome Guy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon