ADVANCE HAPPY VALENTINES DAY!! <3
Sana maging masaya ang mga Valentine's day niyo. Kasi yung akin, mukhang hindi eh. :))))) HAHA!
Chapter 31
KATHRYN'S POV.
[STUDENT COUNCIL ROOM]
Nakatitig lang ako sa board ng room.
Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi? Pero dapat pag pumasok ako hindi halata lahat ng nangyari.
Breathing exercise, Kath. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Hanggang sa mapagdesisyunan ko na pumasok na.
Pagpasok ko, nakatitig lang sila sakin.
Tumahimik bigla yung loob.
Si DJ agad yung unang hinanap ng mata ko. Aggh. Nakakainis. Bakit ba siya lagi?
Nakaupo lang siya sa swivel chair niya, naka-eyeglass tapos nagsusulat. He looked so calm and composed as always. As if nothing has happened.
DJ, bakit ka ganyan?
You know what? What you did was bad for my heart. Really really bad.
Nakatungo lang ako na naglakad papasok.
"Kath?" Napataas yung ulo ko sa tumawag sakin. Si Sam.
"OMG. Kath. Your eyes.. Umiyak ka ba?" Julia.
Nanlaki ang mata ko at lumihis ng tingin.
"Haha.. Ano ka ba, juls. Bakit naman ako iiyak?" I faked a laugh.
"Really?"
Ngumiti lang ako, "Really."
Thank God bumukas yung pinto kaya hindi na nila ako masyadong natanong tungkol sa mata ko. Bumukas yung pinto at iniluwa nito si Quen.
BINABASA MO ANG
CAMPUS VAMPIRES [COMPLETED]
Fanfiction[BOOK 1] Si Kathryn ay isang transferee sa St. Trinity College. At sa di inaasahang pagkakataon, naging member siya ng Student Council, at naging assistant siya ng SC President. Na mga BAMPIRA pala. School life.. ruined.