Chapter 28
JULIA'S POV.
"So.. anong meron? Bat tayong dalawa lang dito?"
Tahimik lang na nakaupo si Kath sa sofa, first time. Hindi siya maingay ngayon, hindi siya jolly, hindi makulit.
Tinabihan ko nalang siya.
"May problema ka ba, Kath?"
Napatingin siya sakin. Mukha siyang matamlay.
"Julia.. ang hirap pala ng ganitong feeling, no? Ang bigat."
Parang nagegets ko na yung problema niya. Si Pres.
Hinawakan ko ang kamay nya.
"Kath.. Kasi naman eh, binalaan na kita."
"A-anong gagawin ko, juls? Ang h-hirap magpigil eh.. Nagpapakita siya ng mga motibo, pero para sa kanya wala lang yun.. Masakit, juls.. Masakit.."
Kath..
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Nagmahal siya ng maling tao sa maling panahon, at sa maling pagkakataon. Lahat mali. Kasi kahit kailan, hindi naging tama ang magmahal ng hindi mo katulad.
"Julia.. ? Anong problema? Umiiyak ka.."
Nanlaki ang mata ko at nagpunas ng luha.
Nakakainis. Dapat di ko na pinapahirapan ang sarili ko.
"W-wala 'to.. Haha. Ano, may ikekwento nalang ako sayo." Ngumiti ako.
"Tungkol saan?"
"Uhmm.. Gusto mo ba malaman kung sino yung taong mahal ko?"
Nanlaki ang mata niya at napangiti.
"Talaga, juls!? Tungkol jan!?"
"Haha. Oo."
Mukha kasing pareho tayo ng sitwasyon eh.
Nagmahal sa maling tao, maling panahon, maling pagkakataon.
BINABASA MO ANG
CAMPUS VAMPIRES [COMPLETED]
Fanfiction[BOOK 1] Si Kathryn ay isang transferee sa St. Trinity College. At sa di inaasahang pagkakataon, naging member siya ng Student Council, at naging assistant siya ng SC President. Na mga BAMPIRA pala. School life.. ruined.