Chapter 5 : Hatred

23 0 0
                                    

Scenario (Sementeryo)


(Sa puntod ng ina at ama)

Mark : (Galit na lumuluha) Mama, Papa, nakabalik na po ako. Pinagbuti ko ang pag aaral ko sa America upang magamit ko lahat ng natutunan ko sa mga taong nagpahirap sa atin. Makakamit nyo na rin ang katarungang matagal nang ipinagkait ng panahon. Hahanapin ko ang mga taong umapi sa ating pamilya. Papa, kukunin ko sa taong kumuha ng mga negosyo mo. At pahihirapan ko rin ang mga mahal nila sa buhay tulad ng pagpapahirap nila sa atin. Mama, hindi ako titigil hangga't hindi nabibigyan ng katarungan ang ginawa nilang pagpatay sa iyo. Magbabayad silang lahat. Isinusumpa ko.


(Papaalis na si Mark, tumunog ang cellfone at sinagot habang naglalakad)

(Isang babaeng may dalang bulaklak naglalakad papalapit, si Heart)

(Nagkasalubong ngunit hindi nakita ni Mark dahil may kausap sa cellfone)

(Napansin ni Heart ang lalaki habang nadaanan niya at napalingon muli sa lalaking may kausap)

(Sa puntod ng ina)


Heart : Mama, miss na miss na kita. (Crying) Happy birthday po.


Scenario (Chan Corporation)


Manager 1 : Pinapatawag nyo raw po ako sir?

Mark : Yes. I want you to make a list of our prime products and its competitors. Gusto ko malaman kung sino ang mga kalaban ng mga produkto natin. I want it as soon as possible.

Manager 1 : Opo sir.

Mark : By the way i want to see the Production Area.

Manager 1 : okey po sir, sasamahan ko po kayo.

(Production Area)


Production Manager : Good morning po sir.

Mark : Wala bang problema sa beverage production natin? On time ba kayo sa deadline ng delivery? Make sure everything is in order. Kailangan natin matalo ang kalabang produkto by being on time sa production at delivery.

Production Manager : Opo sir. Sinisikap po talaga namin matugunan ang lahat ng sinabi nyo.

Mark : Mabuti kung ganun. Sige ipagpatuloy nyo lang ang ginagawa nyo.

Manager 1 : Sir gusto nyo po mag ikot sa production area?

Mark : Hindi na. Paki sabihan na lang ang ibang heads magkakaroon tayo ng meeting mamaya.

Manager 1 : Opo sir sasabihan ko po sila.


Scenario (Opisina ni Mark)


Manager 1 : Sir, eto na po ang ipinagagawa nyo sa akin. Nakalagay na po dyan lahat ng competitors natin pati na rin po kung sino ang namumuno ng mga kumpanya. Isinama ko na po ang sales report ngayong buwang ito.

Mark : Sige salamat.

Manager 1 : May ipagagawa pa po ba kayo sir?

Mark : No wala na. Magkita na lang tayo mamaya sa meeting.

Manager 1 : Opo sir. Aalis na po ako.

Mark : Okey.


(Binabasa ang report ng manager)


Mark : (nasa isip) Mr. Ramon Evangelista. Presidente ng Evangelista Corporation. Parang familiar ang pangalang ito. Sila ang direct competitor ng produkto namin.
(intercom) Miss Cruz, paki tawag nga si Mr. Santos.

Secretary : Opo sir.

Manager 2 : Good morning po sir. Pinapatawag nyo daw po ako.

Mark : Oo maupo ka. Gusto ko pag aralan at alamin mo ang lahat ng tungkol sa Evangelista Corporation. Find out the background and history of this company.

LagrimasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon