Chapter 10 : Suicide

25 0 0
                                    

Scenario (Sementeryo)


(Heart umiiyak habang ibinababa ang kabaong ng ama sa hukay)


(Mga tauhan ng Plantation nakiramay kay Heart)


(Di kalayuan Mark nasa loob ng kotse nakatingin kay Heart at umalis)

Scenario (kwarto ni Heart)


(Heart tinatawagan si Mark sa celfone)


Heart : (umiiyak) Mark, sagutin mo ang tawag ko. (umiiyak)

Scenario (isang Bar)


(Mark narinig ang tunog ng celfone tiningnan pero di sinagot ang tawag)


(Mark nagpapakalasing sa alak naalala ang unang pagkikita nila ni Heart)

Flashback


Scenario (isang bar)


Mark : Beer please.

Heart : Waiter! isang boteng alak pa nga.

Waiter : Ito po ma'am.

Mark : (napatingin kay Heart) Waiter, lasing na yata yung babae, bakit binigyan mo pa ng isang boteng alak?

Waiter : Lagi na po yan dito umiinom. Gabi gabi po nandidito po yan.

Mark : May kasama ba siya?

Waiter : Wala po sir. Mag isa lang po yan umiinom dito gabi gabi.

Mark : Kung lasing na siya, paano siya makaka uwi?

Waiter : Tinatawagan po niya ang driver niya para sunduin. Hindi niyo po ba siya nakikilala? Heart po ang pangalan niya. Isa po siyang anak ng mayamang intsek. Nag mamay-ari po ng mga malalaking negosyo ang pamilya niya. Bad trip po yan lagi dahil parating nasa headline lagi po nasasangkot sa gulo.

Heart : (close up naluluha sa saya) Cheers! hahaha! waiter! pahingi nga ng ice. Waiter! sabi ng pahingi ng ice! Ano ba!

Mark : Miss, miss lasing ka na.

Heart : Ako ba ang kinakausap mo? Sino ka ba? Anong pakialam mo kung lasing na ako. Waiter! nasaan na ang ice ko!


Waiter : Eto na po ma'am.

Mark : Miss, siguro tigilan mo na yan. Lasing na lasing ka na eh.

Heart : Huwag mo nga ako pakialaman. Nagsicelebrate ako! Sino ka ba? Hindi mo ba ako nakikilala? Ha?

Mark : Miss, wag ka magtaas ng boses. Pinagtitinginan ka ng mga tao.

Heart : Anong pakialam ko sa mga taong yan! Hoy! kayo ano ang tinitingin tingin nyo sa akin? Di pa ba kayo sawa sa mga pictures ko? At ikaw, sino ka ba at bakit ka nangingialam?

(nawalan ng malay si Heart)


Mark : Miss, miss, miss! Waiter tawagan mo ang driver niya.

Waiter : Eh sir di ko po alam ang number ng driver niya. Siya lang po talaga ang tumatawag kapag aalis na dito.

Mark : Ha? paano yan? tulog na yata ito. Miss, miss, miss, gumising ka!

Waiter : Tulog na nga yata sir.

Mark : Kasi naman umiinon hindi naman pala kaya.

(Magsasara na ang Bar)


Waiter : Sir, magsasara na po kami.

Mark : Ha? paano ito.

Waiter : Eh sir, isama niyo na lang po sa inyo.

Mark : Ano?

LagrimasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon