Chapter 7 : War

19 0 0
                                    

Scenario (sa sasakyan pauwi ng Maynila)

Heart : Kanina ka pa tahimik.

Mark : Medyo pagod lang ako.

Heart : Enjoy ka ba?

Mark : OO nag enjoy ako.


(Heart hinalikan si Mark)

Scenario (bahay ni Mark)


Mark : (naiiyak sa galit) Kung naangkin man niya ang lahat ng pag aari ni papa, babawiin ko ang lahat ng kinuha niya sa papa ko.

Kaibigan : Pare, may problema ba?

Mark : Wala.

Kaibigan : Bakit parang may malalim kang iniisip?

Mark : Marami lang trabaho sa opisina.

Kaibigan : Siguro dapat magbakasyon ka naman kahit ilang araw lang.

Mark : Okey lang. Sige magpapahinga na ako.

Scenario (Sa kuwarto ni Mark)

Mark : (nakatingin sa larawan ng kanyang ama't ina) Nagkaroon ng kaugnayan ang mama kay Ramon Evangelista?


(Flashback sa nagpag usapan nila ni Mang Jose)


Mang Jose : Pangarap lang ni Ramon ito noon.

Mark : Pangarap lang po?

Mang Jose : oo isang pangarap lang na natupad.

Mark : Akala ko minana ito ng ama ni Heart sa kanyang mga magulang.

Mang Jose : Hindi. Dating tauhan lang ang ama ni Ramon sa lupaing ito. Ngunit dahil sa likas na matalino ni Ramon, napasakanya ng lupaing ito.

Mark : Ano po ang ibig nyong sabihin.

Mang Jose : Ang unang nagmamay-ari ng lupaing ito ang ang pamilya Fernandez. Si Adolfo ang isang mayamang kaibigan ni Ramon noon. Naging matalik silang mag kaibigan. Ngunit nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila nang umibig sila pareho sa iisang babae. Naging kasintahan ni Ramon si Marcela. Ngunit si Adolfo ang pinakasalan niya. Labis na nasaktan si Ramon kaya umalis siya at pumunta ng Maynila. Ngunit bago siya umalis dito, ipinangako ni Ramon sa sarili na lahat ng pag aari ni Adolfo ay aangkinin niya.

Mark : (nasa isip) Babawiin ko ang lahat ng kinuha niya sa aking ama.

Scenario (Opisina ng ama ni Heart)

Manager 1 : Eto na po ang ipinagawa nyo tungkol kay Mark Fernandez.

Papa : (habang binabasa biglang kinabahan) Siya ang anak ni Adolfo Fernandez? Hindi, hindi maari ito. Siya ang anak ni Adolfo.

Samantala..


(Pinuntahan ni Mark si Heart sa bahay)

Mark : Magandang araw po. Nandyan po ba si Heart?

Yaya : Ay naku Mark, kaaalis lang ni Heart. Pupunta siya sa Plantation. Nagkaroon yata ng problema doon.

Mark : Ganun po ba? Sige po pupuntahan ko siya sa Plantation.

Yaya : O sige.

Mark : Tutuloy na po ako.

Yaya : Sige Mark mag iingat ka.

Mark : Salamat po.


(Mark sumakay ng kotse at umalis)

GAP 2

Scenario (Sa Plantation nina Heart)

(Kausap ni Heart si Mang Jose sa may pataniman ng mga bulaklak)

LagrimasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon