Special Chapter 02

91 1 2
                                    

NHWY

--

"Mommy! Si Daddy, oh!"


Napapailing na bumaba ako ng hagdan at nakangiting lumapit sa mag-ama ko. Umagang-umaga ay malakas na boses ni Shauntel ang narinig ko. Manang-mana talaga sa akin ang anak ko. Buti na lang ay hindi naririndi sa kanya si Axton.


Nakita ko sila sa kusina, si Axton ay nagluluto habang si Shauntel ay nakaupo sa kitchen counter at pinapanood ang daddy niya. Naka-busangot ang mukha nito at halatang nagtatampo.


Lumapit ako sa kanila at humalik muna sa noo ng anak ko bago yumakap sa likod ni Axton. "Good morning, babies. Ano problema natin?" Ngumiti ako.


Naramdaman kong tumawa si Axton at humarap sa akin saglit para halikan ang noo ko. Narinig ko naman agad ang kinikilig na reaksyon ng anak namin.


"Yiee! Sweet!" Asar pa niya pero agad ring nagbago ang reaksyon. "Mommy, Daddy won't let me ride a bike!" Reklamo niya, naka-kunot ang noo.


"Baby, it's because natumba ka na sa bike noon." Paliwanag ko. "Gusto mo ba masugatan ulit?" Tinaasan ko siya ng kilay.


Mas lalong bumusangot ang mukha niya at bumaba ng kitchen counter. "Mommy! I am big na, abot ko na 'yung bike! And hindi na ako matutumba! Tito Hanson already thought me how to ride a bike!" Pumadyak-padyak pa siya sa lapag.


"You don't talk like that to your Mommy, Shauntel." Napatigil agad si Shauntel nang Daddy na niya ang nagsalita. "Lower down your voice."


Hindi na nagsalita si Shauntel at umupo na lang doon sa may dining table. Napangisi ako. Takot talaga siya sa Daddy niya. Kapag kasi nagsalita na si Axton ay bawal na magsalita kung ayaw mo mapagalitan. Kung ako ay nasasagot pa ni Shauntel, si Axton hindi na.


"What did you cook?" I asked, smiling widely. "Hindi mo ba ako babatiin?" I smirked.


Pinatay niya ang kalan at humarap sa akin. "The usual, eggs, bacon, ham, fried rice. And why would I greet you? Anong meron?" Nagtataka niyang tanong.


Humiwalay agad ako sa pagkakayakap sa kanya at sumimangot. Kumunot ang noo ko habang siya naman ay nagtataka pa ring nakatingin sa akin.


"Hindi mo naalala?" I asked, pouting.


He shook his head. "Hindi. Ano ba meron, babe?"


But it's our anniversary...

Umiling na lang ako sa kanya at hindi na nagsalita. Nagtatampo na ako! Paano niya nagawang kalimutan iyon! Today is a very special day for us tapos kakalimutan niya lang?!


Nakasimangot na umupo ako doon sa dining table, hindi na siya tinulungang mag-hain. Nakakainis siya!


[Baka naman kasi busy lang.] Sabi ni Ari sa kabilang linya. Napairap ako.


Fernandez SeriesWhere stories live. Discover now