Chapter 02

28 1 0
                                    

Malayo layo narin kami sa subdivision nang maisipan ni kuya mag salita.

"so, kamusta naman school life mo?" tanong ni kuya.

"hmm ok naman kuya, medyo busy na kasi one month nalang graduate na ang bunso niyo" sabi ko kay kuya ng naka ngiti.

napa tingin naman siya sakin at ngumiti then binalik niya rin yung tingin niya sa road.

"wow hindi ko na namalayan one month nalang pala gra graduate na ang baby sheenie ko, sorry bunso ah kung busy nakaraan si kuya dahil alam mo naman" medyo nahihiyang sabi ni kuya, napa ngiti naman ako.

"ano ka ba kuya ok lang yun, kahit busy ka nga nagagawan mo parin kami ng time nila mom at dad" naka ngiting sabi ko.

"hayaan mo kapag meron ulit ako rest day babawian kita, mag mall tayo tapos mag shopping basta kung ano ang gusto mong gawin gagawin natin yun ng isang araw" naka ngiting sabi ni kuya. 

napangiti naman ako ang swerte ko na naging kuya kita, nasabi ko sa sarili ko.

nabalik naman ako sa ulirat ko nang mag salita ulit si kuya.

"oh tama na ang ngiti diyan mamaya may iniisip ka na palag iba " natatawang sabi ni kuya.

sinamaan ko siya ng tingin "ano ka ba kuya study first muna bago mag jowa jowa ikaw nga diyan tanda tanda mo na wala ka paring jowa" sabi ko sakanya.

napatawa naman siya "ano ka ba, mag jo jowa ako eh meron naman kaming A'tin atsaka grabe ka sa tanda ah".

ganyan si kuya lagi niyang sagot kapag tungkol sa love life ay dinadahilan niya ang mga fans nila which i understand, kahit pwede naman sila mag ka girlfriend ay pinipili nilang mag focus muna sa career nila.

hindi na kami kumibo sa isa't isa kaya nag focus nalang si kuya sa pag drive habang ako naka tunganga lang sa bintana.

nang makapag park si kuya sa parking lot ay ibinigay niya na rin sakin yung susi ng sasakyan ko, mag co commute nalang daw siya pag uwi.

pag pasok namin sa campus ay rinig ko na yung mga tilian at sigawan ng mga students dahil andito si kuya, sino banaman hindi mapapa sigaw at tili sa kagwapuhan ng kuya ko.

habang nag lalakad ay nakita ko na sila tyler, lorraine at si clark naglalakad patungo sa hagdanan kaya sumigaw ako sa gawi namin para makita nila ako.

napa tingin naman sila sa gawi namin at nag lakad papunta samin ng naka ngiti.

niyakap naman ako ni lorraine at humiwalay narin ng magsalita si kuya.

"oh kayo na bahala diyan sa prinsesa ko ah? alagaan niyo yan, iyakin panaman yan" sabi ni kuya at tumawa sa huli.

sinamaan ko lang siya ng tingin at nag paalam narin sakanya.

"bye kuya, ingat ka ah. wag ka masyado magpaka pagod sa practice mamaya!" sabi ko.

nginitian niya naman ako "oh siya sige na pasok na kayo sa room niyo baka ma late pa kayo, bye bye see you later bunso!" sabi ni kuya at kumaway na paalis.

Moots (ON HOLD)Where stories live. Discover now