Chapter Six

206 15 1
                                    

"So, anong nangyari dito?" Tanong ng principal naming kalbo.

Hindi ako mapakali sa sitwasyong ito. Napakadaldal kasi ni Kristine e. Humantong pa tuloy sa ganito. Nanlalamig na ang mga kamay dahil sa kaba.

"Okay, wala?" Sabi ng principal, "Shelvinne, pwede bang pakisabi sa amin kung ano ang nangyari?"

Ayoko naman mapahamak si Travence dahil sa akin. At tiyak, kakamuhian niya ko kapag nilaglag ko siya. Pero, wala naman siyang kasalanan kaya ba't ako kinakabahang sabihin ang totoo?

Ugh. Stop it Shelvinne. Nag-desisyon ka ng di ka na magkakagusto sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim. Pero bago pa ako makapagsalita, pinutol ni Travence ang sasabihin ko.

"Kung gusto niyo akong i-suspend or kick out- gawin niyo na. Wala naman din akong mapapala dito." Galit niyang sabi. Tumayo siya agad at umalis.

Tumayo na din ako at umalis nang mabilis. Ramdam ko ang titig sa akin ng mga mata nila. Tumatayo ang mga balahibo ko nang naisip ko na bakit ko ginawa ito. Di ko rin alam, basta sabi na lamang ng katawan ko na sundan ko siya.

Kinakabahan ako dahil baka kung anong gawin niya sa sarili niya.

Patuloy pa rin ang pagtakbo ko sa mga hallways pero di ko pa rin makita si Travence. Napakalaki naman kasi ng school na 'to.

"Sa rooftop!" Sigaw ng babae mula sa likod ka sa malayo. Lumingon ako kung sino yun at si Cindy pala, "Puntahan mo siya dun... Please."

Tumungo na lang ako at umakyat na sa rooftop ng school. Nakakapagod, maniwala kayo o sa hindi, hanggang 25 floor ang school na to.

At doon, nakita ko si Travence- Nakatayo, nakatingin sa malayo at ang buhok niya ay hinahangin. Napahinga ako ng malalim at napangiti dahil nakita kong ayos lang siya.

Agad akong lumapit sa kanya, "Trave-" He cut me off.

"Pano mo ko nahanap?" Tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Mahalaga pa ba yun?" Tugon ko na may halong kaba. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

"Hindi ko gusto ang ginawa mo." He said coldly.

"Di ko rin naman talaga sasabihi-"

"No need to explain. Nangyari na." Humarap siya sa akin. May sugat sa kanang muka niya. May pasa sa gilid ng labi niya.

Pero gwapo pa rin.

Wait, wait, wait, wait! No, sinabi mo ng di mo na siya gusto Shelvine. What's happening?

Umiling ako sa iniisip ko. Tumingin si Travence sakin na nagtataka. I think pulang pula na ako.

"Hindi dapat ikaw ang pumunta dito. Si Cindy dapat. May usapan kami!"

"Si Cindy ang nagpapunta sakin dito." Tugon ko ng mahinahon, "Ano namang usapan?"

Ngumiwi siya, "She really made up her mind ha," Malungkot niyang sabi, "Hindi na niya ko mahal!" Sigaw niya ng malakas na paulit-ulit.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, si Travence ay umiiyak. Ngayon ko lang siyang nakitang umiiyak. Swear. Nakakatuwa pero nakakalungkot dahil totoong mahal na mahal niya si Cindy pero tinatanggian ni Cindy ang pagmamahal niya. Actually, swerte nga si Cindy dahil may umiiyak na lalaki para sa kanya. Ubos ma ang mga lalaking ganun ngayon.

Sabi nila, nag-break sila dahil may nagtatangka sa buhay ni Travence kapag nilalapitan niya si Cindy. Nilalayuan na ni Cindy si Travence pero di pa rin siyang tumitigil sa paglapit kay Cindy. Ginagawa lang nama yun ni Cindy para sa kaligtasan niya. Which is, sweet.

Napahawak si Travence sa ulo niya at bumagsak ng nakaluhod. Nagulat ako at agarang lumapit sa kanya. Inalalayan ko siya.

"T-Travence," I cooed, "Ayos ka lang?"

Umungol siya ng mahina, "Ayos lang ako." Tumigil na siya sa pag-iyak, nakahawak pa rin ang kamay niya sa ulo niya at umungol uli ng mahina.

"Saglit lang Travence. Tatawagin ko lang yung nurse para humingi ng tulong." Nerbiyos kong sabi. Nang papatayo na ako, bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit para tumigil.

"Bakit?" Taka kong sabi.

"Dito ka lang..." Sabi niya na hindi tumitingin sa akin.

Wait, what?

Tumanggi ako at sinubukang kumawala sa pagkahawak niya sa kamay ko, "Kailang-" He cut me off again.

"Ang sabi ko dito ka lang sa tabi ko!" Medyo galit niyang sabi. Pero alam kong ginawa lang niya ang tonong iyon para maitago ang kanyang sincere.

"S-sige."

Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya habang hawak-hawak pa rin niya nang mahigpit ang kamay ko. Inilagay niya ang ulo niya sa balikat ko at pumikit.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang kinikilos niya ngayon. I mean, bakit siya ganito sa akin? He knows we're both guys pero ipinatong pa rin niya ang ulo niya sa balikat ko. Gawaing mag-shota lang naman yun diba?

Howeshet! Ang bilis nang tibok ng puso ko. Mainit din ang mukha ko and I'm pretty sure na pulang-pula na ako. Wah, ang bilis mong ma-failed Shelvine!

Anong nangyari sa di ka na mai-in love sa kanya? Pa-fall ka! Pa-fall! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa sitwasyong ito. Tatahimik o kikiligin.

Tsk.

Hinigpitan pa niya ang pagka-hawak sa kamay ko at sabay ibinulong na:

"Dito ka lang."

•••

A/N: Please vote and comment! Gusto ko lamg pong malaman kung ano ang tingin niyo sa librong 'to. Para mapaganda ko pa siya at mapag-patuloy ang story. Thanks! Ingat lagi!

Mapapansin Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon