Chapter Three

269 15 3
                                    

Nasa loob kami ng court sa school dahil P.E. namin ngayon. Ang mga lalake ay nag-sestretch na dahil mag-babasketball- at rinding-rindi na ako dahil sa mga classmates kong tili ng tili kay Travence. Nakasandong puti lang kasi at pangbaba ay PE.

"Aaaah! Go Travence!", "Ang pogi mo!", "Akin ka na lang!" Mga tili nila. Ang sasarap pag-gigilitan ng mga leeg.

Bigla na lamang may nangalabit sa akin, "Uy, chilax. Di naman pinapansin ni Travence e." Si Kristine pala.

Tumingin ako sa kanya sa likod, "Kairita kasi e."

Tumawa siya, "Yaan mo na ang mga yun. Nga pala, musta report niyo?" Tanong niya, "Anong nangyari?" Sabay yugyog sa akin.

Pinigilan ko siya, "Wala. Basta tamad yun."

Tumawa na lang siya ulit.

Narinig na lang namin ang pito ni Sir at sila ay umayos na sa gitna ng court para simulan.

Hinagis na ni Sir ang bola sa itaas at si Travence ang unang nakakuha nito. Agad-agad siyang tumakbo sa basket ng kalaban at sabay shoot. Syempre, pasok.

Hindi na rin naman ako mag-tataka kung bakit magaling si Travence. Simula kasi first year ay varsity na siya ng basketball namin at madami na rin siyang napalanunan nang dahil doon.

Nag-hiyawan na naman ang mga babae sa likod namin at nag-tutulakan pa. Mas lalo pang lumakas ang tilian nang naka-score ulit sa Travence.

•••

Habang nasa kalagitnaan ng laro, binabantayan si Travence ng mga kalaban at parang ginigitgit nila ito- bigla na lamang nadapa si Travence habang tumatakbo. Napatayo ako dahil sa kaba.

Nilapitan siya ng mga teammates pati si Sir. Pinituhan niya ako at tinuro upang lumapit doon. Agad naman akong tumakbo papunta doon. Pawis na pawis si Travence at umuungol sa sakit habang hawak-hawak ang kanyang kaliwang binti na may sugat.

Binuhat siya ng iba niyang kasama, "Shelvinne, pakigamot at pakibantay si Travence," Sabi sakin ni Sir, "Sige na."

Nang papunta na kami sa clinic, sabi ni Travence ay mas gusto niya na lang sa classroom. Si Mark, classmate namin, kinuha na lang niya ang mga gamot sa clinic para sa sugat ni Travence at kami naman ay inihatid siya sa classroom namin.

"Pwede niyo na kpng iwan." Sabi niya habang tinutulungan namin siyang iupo sa upuan.

"O sige," Sabi ni Paul, classmate din namin, "Pakibantay na lang Travence ha." At umalis na siya.

Tumingin si Travence sakin, "Umalis ka na rin."

I shook my head, "Hindi, sabi ni Sir bantayan kita."

He smirked, "Sabihin mo ayos lang ako."

I rolled my eyes, "Ayos mo muka mo." Bulong ko.

Dumating si Mark na dala-dala ang mga gamot at ibinigay sa akin. Umalis na rin siya pagkatapos nun. Kinuha ko ang tubig ko sa bag at binasa ang bulak para linisin ang sugat niya.

Nang ipapahid ko na, "Ano ba, ang sabi ko iwan mo na ko. Kaya kong gamutin sarili ko."

Hay, ang kulit talaga ng taong to. Kahit sabihin kong may gusto ako sa taong to, di ko rin maiwasan na may side minsan na ayaw ko sa kanya at napapalayo ako nang dahil dun. Sa lahat-lahat nang nagawa ko sa kanya noon, sigurado akong di pa rin niya ako kilala.

"Tumahimik ka na lang. Maswerte ka dahil may nagmamalasakit pa sayo," Medyo pasigaw ko, "Kahit ganyan ang ugali mo. Kahit magpasalamat di mo kayang gawin!" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Dala na rin siguro ng emosyon ko.

Manhid. Yun lang naman talaga ang salita. Pero may nag-huhugot sa akin na huwag kong sabihin ng direkta kung ano ang gusto kong iparating. Dahil natatakot akong malaman niya ang totoo.

Napansin kong nag-iba ang emosyon ni Travence sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong meron sa mga salitang yun pero iba rin ang tingin niya sa mga mata ko.

Umupo siya ng maayos, "Dahan-dahanin mo lang." Sabi niya ng kalmado at hindi siya nakatingin sakin.

Sinimulan ko nang linisin ang sugat niya gamit ang binasa kong bulak. Bawat punas ko ay medyo napapagalaw siya sa sakit.

Pagkatapos ay nilagyan ko na ng betadine. Naghanap ko kung nasaan ang benda- pero wala.

Naisipan kong kunin ang panyo kong blue sa bag.

"Anong gagawin mo diyan?" Tanong niya.

Walabg ano-ano, ay ipinalupot ko sa sugat niya ang panyo mo ng dahan-dahan at itinali.

Ngumiti na lamang ako at tumayo kasama ang first aid kit.

"Uh... Sige. Ibabalik ko lang to."

Ibinuka niya ang bibig niya na parang may sasabihin pa. Pero hindi ko na iyon pinansin at agad na akong umalis.

Mapapansin Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon