Chapter Two

419 15 3
                                    

"TANGINA MO!" Sigaw ng nasa likod ko.

"TANGINA MO RIN! PAKYU KA RIN E NO?!" Sigaw naman ng nasa unahan ko.

"Ano ba ha? Ang lapit-lapit niyo lang ah? Kailangang sumigaw?" Pataray na sabi ni Kristine. Nagulo tuloy ang beauty sleep niya.

Friday ngayon at time ng Filipino namin pero wala pa rin ang teacher namin.

"Pake mo ba?" Sagot ni Dittu Lee. May lahing chinese. Siya ang nasa unahan namin.

"Kaya nga. Nakikisalo ka? Inggit?" Sabi naman ni Einstein. Pang-matalino ang name, bobo naman.

Sarey. I'm just telling the truth.

"Pakyu bente! Di kayo tatahimik?" Sigaw ni Hannah. Ang Sgt. of Arms ng room namin. "Pag-di kayo tumahimik isusumbong ko kayo kay ma'am."

"Respeto naman daw guys. Mag-wo walk out yan." Sigaw ni Einstein.

"Lagi naman e." Inis na sabi ni Dittu Lee.

Dalawang linggo na kaming pumapasok pero ang kakapal na ng mga mukha ng mga kaklase ko. Pero, di ko pa rin maalis sa isipan ko nang pinansin ako ni Travence sa cafeteria nung nakaraang linggo.

First time niya kasi akong pinansin nun. Pero, ngayon, parang di niya ko kilala. Hay, crush nga naman. Snobber, wala e, peymus.

Bigla na lang may sumigaw, "Si Sir! Nandyan na!" Sabay lahat ng classmates ko ay bumalik sa kanya-kanyang upuan.

Nang pumasok si Sir, lahat ng babae samin ay nag-bubulungan at ang iba naman ay kinikilig.

"Magandang umaga sa inyo." Bati ni Sir Fredrick. Ang teacher namin sa Filipino.

26 years old na si Sir. Gwapo, mukang binata pa rin at maporma pang tignan. Kaya walang uma-absent sa klase namin araw-araw.

Landi e.

"Okay class, mag-aassign ako ng dalawa sa inyo na mag-report about sa lesson natin bukas." Sabi ni Sir.

Ngumiti sakin si Kristine dahil alam niyang kami ang maa-assign sa report.

"Ang mag-rereport ay... sina Shelvine at Travence." Nang marinig ko ang pangalan naming dalawa, di ko mapigilang di ngumiti.

"Fre, okay ka lang? Ang pula-pula mo at mala-aso ngiti mo ah." Sabi ni Kristine. Pero binalewala ko lang.

"Shelvine, I need that on Monday okay?" Tanong ni Sir.

"O-opo Sir." Di ko na alam ang nararamdaman ko at sasabihin. My gosh! Makakasama ko si Travence sa paggawa ng report.

~

Time na ng Math namin at wala ang teacher naming gurang. Kaya kinuha ko na ang opportunity na pumunta kay Travence at pag-usapan ang irereport.

"Oy, san ka pupunta?" Tanong ni Kristine.

"Kay Travence. Tatanong lang ako about sa gagawin naming report." Sagot ko.

"Baka." Asar na niya.

"Ang pode mo naman Kristine." Tumawa na lang si Kristine at pinabayaan na ko.

Habang papunta sa upuan ni Travence, nag-iisip ako kung ano ang una kong sasabihin. "Hi Travence, ang pogi mo pa rin.", "Travence I love you!", "1kH4w lNgSzx zHap4T nu4hH", "Hi Travence, ako nga pala yung sinayang mo."

Mapapansin Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon