3- Coffee Shop

39 2 0
                                    


Beulah's POV



Hays. Starbucks buti nagtagpo tayo. Nung umpisa wala pa ko sa katinuan akala ko simpleng coffee shop lang, yun pala Starbucks na. Dito ako dinala ng mga paa ko, malamang alangan naman naglakad ako gamit ng kamay ko, mahirap yon. Tss badtrep na talaga ako pati sarili ko inaaway ko.



"Welcome Ma'am." Bati sakin



"One Caramel Frappuccino." Matino at tipid kong sagot.



"Your Name Ma'am?" Hays. Oo nga pala susulatan pa yun ng pangalan echoss lang sayang sa marker.



"For Free." Wala ako sa mood makipag usap, nababadtrip na din ako kay Ate tanong ng tanong. Tss ! Naglakad na ko papunta sa available na table para maghintay.



"Wait Ma'am." Tawag sakin hayss kainis



"WHAT NOW ? NAASAR NA KO AH." Pagalit na sabi ko kahit pasigaw na yun for me sa ibang tao wa epek dahil mahina boses ko kahit isigaw ko pa mahina sya. Hayss ! Buti nakita ni Ate expression ko halatang naiinis na ko sakanya. KANINA PA !



"B-bayad N-yo po." Shocks kinabahan si Ate sa reaksyon ko. Walangya nakalimutan ko pa magbayad.

Inabot ko yung pera.



"Ma'am." Halatang takot na sya. Tumingin ako ng masama



"Ma'am kulang po to." Pinakita nya sakin yung pera na inabot ko at WHAT? 20 lang -_- Nagtawanan yung tao na ibinaling ang attensyon samin kanina pa tss mga tsismosa at tsismoso din pala.



Lumapit ako kay Ate at ibinababa ang kamay nya na hawak hawak ang bente dahilan upang makita ng lahat yung kahiya hiyang bente na inabot ko tsss pauso to si Ate gantihan ganun?


Nag abot ako ng bayad for sure sobra na dahil may sukli pa, bakit naman kasi ang hilig ko magtago ng init ng ulo at tinatakbuhan ko nalang, minsan lahat ng sama ng loob ko tinatago ko saka ko ilalabas kapag may isang tao akong napaginitan.


Si Ella at Leane lagi ang nagtatangka ng pagiinit ng ulo ko at naibubuhos ang galit ko dahil trip lang daw nila. Pagbuhulin ko sila ng pa-ribbon eh, ang gara ko pa naman kapag naiinis at nagbubuhos ng galit talagang nagwawala ako.


Sabi nga ni Mhiks "Pag nagka boyfriend ka dapat mahaba pasensya at hindi ka sinasabayan, yung ngiti nya pa lang lalamig na ulo mo agad at makakausap ka ng matino." Turo sakin ni Mhiks yan. Kaya isa yun sa standard ko sa lalake.

Fans vs. UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon