Ella's P.O.V
Hmp! Nakaka-hurt naman yung sinabi ni yuki! Hindi nya kasi alam yung feeling na pag salitaan ng hindi maganda eh...
Tapos na akong kumain at nag bike na ako papunta sa school...
Habang nagbibike ako papunta sa school may napansin akong pusa
Tumigil ako sa pag bibike at nilapitan yung pusa. Actually ang ganda nung pusa mabalahibo sya at kulay pula yung mata nya eh.. hindi pa naman ako nakakalayo sa bahay namin ni yuki. At sa tingin ko wala namang amo tong pusa eh!!!
Dinala ko muna sya sa bahay at binigyan ng cat food.
Nag tataka ba kayo kung bakit may cat food dito sa bahay...
Dati kasi may alaga si yuki na pusa ang name ay Yulla, pinagsamang name ko at name nya hihihihi :)
Kaya lang namatay na sya eh, iniwan muna kasi namin sya sa bahay tapos naka-limutan pala namin i-lock yung gate kaya ayun naka labas sya ng bahay at tumalon sa bakuran namin, habang tumatawid si yulla, hindi nya napansin na may paparating na truck kaya nasagasaan sya..
Yung araw na namatay si Yulla yun din yung araw na nakita ko si yuki na galit na galit sinisisi nya yung sarili nya sa pagkamatay ni yulla.. hindi sya lumalabas ng kwarto, hindi kumakain.. mahal na mahal nya kasi si yulla....
Makalipas nang isang buwan, noong namatay si yulla, nakita ko si yuki na presentable sa pananamit, at yun din yung araw na nahilig kami sa mga bampira.
Ayan ang kwento ni yulla... I hope she is fine wth god :)
Iniwan ko muna yung pusang nakita ko at pumasok na ako sa school..
END of Ella's P.O.V
End of Chapter 2
