Yuki's P.O.V.
Habang nakayuko pa rin ako, May Narinig akong isang tinig na pamilyar sa akin...
"I'm John Quinn"
Napatingin ako sa unahan at sa hindi ina-asahan may isang pares ng mga mata ang nakatingin ng diretso sa akin.
At base sa aking nakikita... Ang mga mata nya ang pinaka-maganda kong nakita... ngunit kahit hindi sya nagsasalita ay parang marami itong gustong sabihin...
Nagtilian ang mga kaklase ko...
Ngunit sa aking pakiramdam, parang may makapal na yelo ang nakapaligid rito at walang sinoman ang makaka-tibag nito...
Nag-iwas ako ng tingin, dahil parang wala syang balak na iba kundi titigan ako...
Naghanap ako ng mga bagay na mapag-tutuunan ko ng pansin...
Habang nakayuko pa rin ako, may isang boses pa akong narinig...
"I'm Daniel Quinn"
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang kaparehas na mukha nang lalaking nauna...
Ngunit ngayon naman ay kung tititigan ko ito sa mga mata, makikita mo rito ang salitang 'MAPANGANIB' hindi lang yelo ang nakapalibot rito kung hindi Apoy...
Sa hindi inaasahan, napatingin rin Ito sa akin... Parehas sila ng kulay ng mga mata "Gray"
I adore the color of their eyes... IDENTICAL TWINS
Tinignan ko silang dalawa at Tinignan ko kung may differences sila and Boom!!!
Yung isa kanila may mole malapit sa mata... and yung isa naman ay wala parehas din sila ng hairstyle and haircolor kaya kung hindi mo sila titingnan ng mabuti ay mapapansin mo na wala silang differences kasi maliit lang yung mole nung isa kaya hindi mo ito mapapansin agad...
Nag-iwas agad ako ng tingin dahil biglang nagawi yung paningin nung John ata... Kinabahan ako ng sobra, akala ko mahuhuli nyang naka-titig ako sa kanilang dalawa...
"Okay! Pwede na kayong maupo beside Ms.Ella and Ms.Yuki at the back"
"Thank you miss" sabay nilang sabi
Tinignan ko ulit ang gawi nila na papunta sa amin at nakatitig na naman ang 4 na pares ng mata sa akin.
Sabay silang umupo katabi namin ni Ella, Umupo katabi ko ang lalaking nag-ngangalan na John at umupo naman si Daniel katabi ni Ella. Biglang nabalot ng sobrang katahimikan sa paligid namin na which is nakakapanibago, knowing na ang section namin ay kilala sa sobrang ingay at Hindi talaga ako sanay...
TO BE CONTINUE...