CHAPTER 9

788 31 0
                                    

Tap POV

I was now looking at the most beautiful being in the world. As if, she is the only human that left on earth 'cause siya lang ang nakikita ng mga mata ko ngayon.

Lumingon siya sa akin habang mababahid ang saya sa mukha niya.

"Salamat Tap." Biglang saad nito.

Ngumiti naman ako.

"Hindi dapat ikaw ang nagpapasalamat kundi ako. Kasi pumayag kang makipag-date sa akin." Masaya kong saad. Habang nakatingin sa mga mata niyang parang nagliliwanag sa ilalim ng buwan.

Natahimik kami sa mga sandaling iyon. Hindi awkward kundi isang mapayapang katahimikan.

"Carla, Alam mo namang mahal kita diba?" Walang pag-aalinlangang saad ko.

Lumingon naman siya sa akin. Umayos ako ng upo at pinakatitigan siya sa mata.

"Noon pamang junior at senior tayo ay alam mo nang mahal kita. Gusto kong malaman mo 'yon dahil gusto kitang makasama."

Unti unti naman siyang yumuko.

"Carla, Mahal kita. Kaya please bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita muli iyon sa'yo. Gusto kitang ligawan." Mahinahon kong saad at hinawakan ang kamay niya.

"Tap, alam kong mahal mo ako simula palang noong nag-aaral tayo." I nodded

"But, hindi moba naiisip na hindi mo pa ako masyadong kilala at baka kung anong maaari kong gawin sa kompanya..."

"Alam ko ang ibig mong sabihin Carla, pero mahal kita at gusto kitang ligawan—"

"Pero hindi kita mahal. Paano kita mabibigyan ng chance?"
Natigilan ako sa sinabi niya.

Pangalawang beses na 'to.

PAGKATAPOS NG GABING iyon ay hindi na muling nakipag-usap sa akin si Carla.

Gusto ko sanang magsorry sa kaniya dahil sa straight forward kong pagsabi sa kaniya no'n.

Ang dapat sana ring gabing hindi niya makakalimutan ay nagulo.

At kasalanan ko pa 'yon. Bakit ba kasi ako umasa pang mamahalin niya ako? Eh, halata namang hindi niya ako magugustuhan dahil pansin ko na'yon sa Simula palang ng pangungulit ko sa kaniya.

Lagi niya rin akong iniiwasan kung magkita man kami o magkasalubong dito sa kompanya.

Gusto ko siyang kausapin pero hindi naman ako makalapit. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

I was thinking about that night while walking in the parking lot upang makauwi na ako.

Sa paglalakad ko ay may nakita akong dalawang tao sa isang sulok.

Pamilyar sa akin ang lalaki.

Si Carla at ang nobyo niya dati. Magkasama parin pala sila?

Kaya pala, wala na talaga akong pag-asa. Siguro hanggang tingin nalang nga at pantasya ang magagawa ko. O, dapat na atang mag-move on.

Ang daya ng tadhana.
Napabuntong hininga na lamang ako at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pants ko.

Madadaanan ko sila dahil nasa tabi lang nila ang sasakyan ko. Ayts, ba't kasi doon pa ako nagpark. At bakit doon pa sila nagdesesyong magkaroon ng moment?

"It's ok. I understand naman."

"Thank you."

Rinig kong usapan nila pero hindi ko nalang sila pinansin. Inignora ko lang sila hanggang makalapit ako sa sasakyan ko.

Nakita ko sa peripheral Vision ko na lumingon sila sa direksyon ko pero hindi ko nalang sila pinansin. Nang makapasok sa sasakyan ay agad ko na itong pinaandar at umalis.

Nakita ko pa sa side mirror ang mukha ni Carla habang nakatingin sa direksyon ko.

Ahh, paano ba ako makaka-move on sa kaniya o makaka-move on nga ba talaga ako? I don't know what to do!

Nang makauwi ay agad akong pumalit ng maisusuot at muli ring lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan. Gusto ko munang libangin ang sarili sa ibang bagay, yung mawawala siya ng kahit ilang sandali lang.

Huminto ako sa isang store ng sweet and salty snacks. Nang maipark ang sasakyan ay lumabas ako dito at pumasok ng store.
Napansin kong walang masyadong tao dito kaya naman ay natuwa rin ako.

Pumunta ako agad sa chips section, gusto ko kumain ng maaanghang na sweet and salty.

Patata, Piatos, Oishi, Clover, etc. Ano pa bang pweding bilhin?

"Catappiana?" Natigilan ako ng marinig ang buo kong pangalan na sinabi ng kung sino mang nasa likod ko. Medyo pamilyar iyon sa akin, narinig ko na dati hindi ko lang maalala kung sino.

"Catappiana Francisco?" Agad kong nilingon ang kung sino man ito.

Natigilan ako ng makilala ko siya.

"Katelyn?"

"IT'S BEEN A long time since I last saw you. Which is definitely in our high school. Anyways, how are you?" Mahabang ani ni Katelyn na nginitian ko naman bilang sagot.

"Doing good, how about you?"

"Ayon. Nakapag-settle na sa buhay." Kibit balikat niyang sambit at humigop sa hawak niyang Starbucks coffee.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ulit. Ang kaibigan ni Carla at laging kasa-kasama noong nasa High School pa lamang kami.

Binalot kami ng katahimikan at walang nagbalak basagin ito. Ako ay nagpatuloy lang sa pagkain habang nakasandal ang likod sa back rest ng inuupuan naming bench sa pinuntahan naming park matapos ang encounter namin kanina.

"Btw, about Carla." Natigilan naman ako.

"Pasensya na talaga sa mga pinanggagawa niya sayo noon ha. Alam kong nakalipas na ang maraming taon, pero humihingi parin ako ng tawad. Ba't kasi hindi ko pa siya pinigilan noon eh, hindi ka sana nasaktan ng husto." Ani nito.

Marami na ngang taon ang nagdaan. At Ba't pa ba pag-uusapan iyon eh diba dapat kinakalimutan na kasi nakalipas na. Hind ngalang ang pagm... ehem! Tama na muna 'yan Catappiana.

Ngumiti ako ng hindi siya nililingon. "Ayos na 'yon. Katulad nga ng sinabi mo, nakalipas na ang maraming taon, kaya dapat ng kalimutan iyon." At nilingon siya.

Napayuko naman siya habang tumatango tango. Muli ay binalot kami ng katahimikan.

I eat the last bit of my Patata before putting it on the plastic bag where I put my trash. Tumayo ako at nag-unat.

"I guess kailangan ko ng umuwi, may I excuse my self?" Ani ko at kinuha ang plastic bag.

"Ahm yeah. Nice to see you again." Ngumiti siya ng tipid na binalik ko naman ng malawak.

Naglakad na ako at ng may madaanang trash bin ay itinapon ko na ang bitbit kong basura.

Satisfied appetite. Hah.

Loving You Ms. BlackwoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon