Chapter 12 Teary Eyed

1 0 0
                                    

Chapter 12: Teary Eyed

December 24

Naghahanda kami ngayon ni Papa ng mga lulutuin para mamaya sa Noche buena . Magsisidatingan kasi ang mga relatives namin galing sa malalayong lugar.

Kaninang 5:15 pm nagsimulang nagdatingan ang mga kamaganak namin. Nagmano ako sa mga tito at tita ko kinausap nila ako at tinanong kung kamusta nako at okay lang daw ba ang pagaaral ko.

7:00 pm nagsabay na nagdinner habang kumakain kami ay masaya silang nagkwekwentuhan. Ako naman patuloy lang na kumakain dahil wala naman akong hilig masyado makipagusap sa iba lalo na kapag mas matatanda sakin.

10mins to go para sa noche buena. Naisipan kong pumunta sa mini garden kung saan ako palang ang dinala ni Lemuelle sa lugar na yun.
Yun yung magandang place para manuod ng fireworks.

" Papa, alis po muna ako saglit may pupuntahan lang poko" pagpapaalam ko kay papa.

"Osige anak magiingat ka ah ?"sabi sakin ni papa.

Lumabas agad ako ng gate at umalis gamit ang motor na regalo sa akin ni papa.

Mabilis akong nakarating sa mini garden dahil wala masyadong bumabyahe dahil pasko. Pinark ko ang motor ko sa gilid ng malaking puno sa labas ng mini garden. Naglakad ako papasok ng mini garden ng may narinig akong naguusap sa loob.

"Babe, di mo alam kung gaano ako kasaya simula ng sinagot mo ako " narinig kong sambit ng isang lalaki.

"Babe,pinapakilig mo nanaman ako eh sorry kung inaaway kita minsan ah selosa lang talaga ako eh " sagot naman nung babaeng kausap niya.

Parang pamilyar sakin ang boses ng dalawang magkasintahan kaya naman minabuti kong matago sa puno malapit sa kanila. At nang maaninag ko kung sino sila nagulat ako na sila Faye at Lemuelle yun.

"Babe, iloveyou" sabi ni faye kay Lemuelle.

"I loveyou too babe , iloveyou more" sagot naman ni lemuelle sakanya.

Nagyakapan sila nagtama ang kanilang mga noo hanggang sa naging ilong nila at ang huli ay ang pagdidikit ng mga labi nila kasabay noon ang napakahandang fireworks sa kalangitan.

Doon nako simulang humahugol tinakpan ko ang bibig ko para di nila marinig ang bawat paghikbi ko.
Agad akong tumakbo sa motor ko at pinaharurot ito ng mabilis para makaalis agad sa lugar na yun.

Bumuhos ang malakas na ulan parang nakikisabay sa pagiyak ko. Madilim ang daan ilaw lang sa mga poste at motor ko ang makikita. Mejo malabo rin ang daanan dahil sa lakas ng ulan. Nakakaramdam nako ng panginginig ng katawan ko dahil sa lamig at pagiyak ko parin.

Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko nawalan ng preno ang motor ko dahil sa dulas ng daanan napapikit nalang ako dahil may humaharurot na truck na bumubusina sa akin para ipreno ko pero diko nagawa. Nabundol ako at tumalsik ang motor ko at ako sa mapunong gilid ng daanan.at agad na akong nawalan ng malay.

A Friend of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon