Mag-isa na lang talaga ko, wala na si Mama. Di ko talaga alam kung ano na mangyayari sa akin ngayon.Lilibangin ko na lang siguro yung sarili ko para di ko siya mamiss. Hawak ko parin yung pinakaimportanteng bagay sa akin. Yung regalo niya. Muka itong mini flower vase tapos naka-ukit yung pangalan ko. Ginawa nya 'to para lagyan ng mga paint brush ko.
Pupunta akong book store pero sasama ko yung gift sa akin ni mama para kunwari magkasama parin kami.
Yaan nang magmukang tanga. Wala naman silang alam.Kanina pa ko palakad lakad sa book store na 'to pero wala akong mapiling libro. Sa may bandang dulo naisipan kong maghanap pa kasi pag dito wala parin uuwi na talaga ko.
Nakahanap na ko. Kaso ang taas ng kinaroroonan nyang pwesto. Pilit kong inaabot ng isang kamay ko, kasi yung kabilang kamay ko hawak yung gift ni mama.
Malapit ko nang maabot e kaya lang may bumunggo saken. Okay lang naman sana pero..
Nawala na ako sa sarili ko nang makita kong naging pirapiraso yung regalo ni mama.
*BOOOOOGSSHHH*
Sinipa ko na.
"WALA KANG KARAPATANG MANAKIT NG TA-"
Di ko napigilang umiyak. Yun na lang ang tanging alaala ko sa nanay ko, nasira pa.
"KULANG PA YAN! (sabay turo sa kanya at sa binasag nya) TINGNAN MONG GINAWA MO!"
* I miss the days of a sweeter life
I miss the conversation..Pasalamat siya tumunog bigla yung cellphone ko kundi di lang yon inabot nya.
"E-eryn.. Yung papa mo kasi.. Ano.. Kinuha nya lahat ng gamit mo."
Friday the 13th ba ngayon? Bat napakasaklap ng kapalaran ko ngayong araw na 'to?