Broken

4 0 0
                                    

Agad akong pumunta sa apartment namin ng kaibigan ko. Di ko akalaing maglalakas pa ng loob magpakita pa ang walang hiyang tatay ko.

Nasa hall way pa lang ako nakita ko na si Neo.

"Eryn sorry. Pinigilan ko naman siya e. Kaso ang dami ng dala nyang tauhan. Sorry talaga."

Hala ang bakla umiyak na.

"Okay lang. Given naman na hari ng kawalangyaan yung tatay ko e. Pahiram na lang ng damit."

"Talaga okay lang? Eh pano yung collection mo? Ayos lang na kinuha nya din?"

"Madali lang bumili non. Ang mahalaga di ko siya nakita."

Baka makapatay pa ko.

*flashback*

Exited na akong umuwi. Birthday ko ngayon panigurado may surprise sila sa akin.

Pagsundo sakin ni Mang Tonyo sinabi ko sa kanya na ibahin yung dadaanan namin para sina mama ang masorpresa sa pagdating ko.

Lahat ng nadadaanan namin ay di ko na pinapansin pero may isang nakapukaw ng atensyon ko..

Ang sasakyan ni papa.

Baka kamuka lang. Kasi dapat na sa bahay siya di ba? Umusad ng kaunti ang sinasakyan ko dahilan para makita ko ang plaka ng sasakyan pero bago ko pa makita bumaba ng taong hinihinala kong may ari ng sasakyan.

Ayos lang naman na si Papa mismo yon e. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit may kasama siyang batang babae na kasing edaran ko lang din. At ang mas nakapaggulantang pa sa akin ay ang kasunod nilang babae na humalik kay Papa.

Umandar na ang sinasakyan ko at ipinikit ko na lang ang mata ko. Baka panaginip lang ito. O maaaring isa lamang yong hallucination dahil di ako kumakain.

Nasurpresa nga ako pag uwi ko.

Di dahil sa handa para sa akin kundi sa gulo ng bahay at si Mamang umiiyak sa isang tabi.

*End of flashback*

Stop The MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon