Unbreakable

4 0 0
                                    

Naalimpungatan ako. Napanaginipan ko na naman si Papa at yung kabit niyang magiging legal wife nya na kasi wala na si Ma.

Nagliliyab na apoy na naman ako sa galit. Sila ang pumatay sa aking ina, dapat malagutan din sila ng hininga!

Nakakuyom ang aking mga kamay. Naisip kong sugudin sila kaso wala namang mangyayari. Magmumuka lang akong tangang aso na naghahamon ng away sa isang halimaw.

Pagpaplanuhan ko na lang muna siguro. Tutulog na lang ako ulit at maghahanap ng trabaho bukas.

-----

"ERYN BANGON MAY SUNOG!!!!!!"

Napamulagat ako agad at tumakbo ng banyo para kumuha ng tubig.

"HAHAHAHAHAHA AYAN, TULOG MANTIKA KASI HAHAHAHAH-ARAAAAAYYY!"

Bwisit! Yan ang sayo!

"HOY NELSON YOSON! HINDI MAGANDANG BIRO YUN! PAG NAGKATAONG TOTOO NA AT DI NA KO NANIWALA SAYO TAPOS NAMATAY AKO LAGOT KA SA TATAY KO!"

"Uy naisip nyang ipagtatanggol siya ng tatay niya.. Parang kahapon lang gusto mong gilitan yun a!"

Oo nga ano. Bat ko nga ba naisip yun.

"Nanaginip ka lang, siya sige umalis ka na dito sa kwarto ko! Layas!"

"Ang pikon mo talaga ERIANA JUVILYN! Nga pala dumaan si fafa Mavin nag inwan ng breakfast kumain ka na at baka maubos ko yun sige ka! Hahaha babush!"

Hay nako. Isa pa palang problema yun. Ayaw tumigil sa panliligaw. Mauubos lang pera niya kakabili ng breakfast, lunch at dinner.

Wala akong balak umibig. Not now and not ever! I know better, they are all like my father.

Nag-ayos na ko. Naligo at nagbihis ng presentable gaya nga ng plano ko kagabi, maghahanap ako ng trabaho ngayon.

"Oy babae! San ka pupunta aber? Nasapian ka ba? Bat ganyan ang suot mo? Don't tell me makikipagkita ka sa tatay mo?"

"Oy ka din bakla! Ang dami mong tanong! Mag a-apply ako. Sayo na yang lahat ng breakfast na binigay niya. Makaalis na nga!"

Pagkalabas ko ng apartmen napagtanto kong di ko alam kung san talaga ko magsisimulang maghanap ng maaaplayan.

"Good morning sweetie!"

"Hindi ako sweet Mav tigilan mo na ko!"

Ano ba 'tong lalaking to. Bigla na lang nasulpot e.

"Edi baby na lang. Baby san punta?"

Aist. Di ba ko titigilan ng mga tao.

"None of your business!"

At iniwan ko na siya. O di ba? Sinong maniniwalang seryoso yan e puro kalokohan ang pinagsasasabi. Kung anu-anong tawag sakin. Kahapon cupcake, ngayon sweetie at baby.

I hope makahanap na ko ng trabaho. I will definitely need money to pursue my plans on destroying that shitty father of mine.

Stop The MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon