Call 4

11 1 0
                                    

1 Corinthians 6:18

Kaya lumayo kayo sa sekswal na imoralidad. Ang ibang kasalanang ginagawa ng tao ay walang kinalaman sa kanyang katawan, ngunit ang gumagawa ng sekswal na imoralidad ay nagkakasala sa sarili niyang katawan. (Ang Salita ng Diyos)

Flee from sexual immorality. All other sins a person commits are outside the body, but whoever sins sexually, sins against their own body. (NIV) 


Yung topic sa radio kanina na naririnig ko ay about sex. May tanong yung radio operator sa mga nakikinig, yung tanong niya ay ito. "Ano ang gagawin mo kapag na-fall ka na sa ka one-night-stand mo?"

Kung hindi mo alam, ang one night stand ay parang isa ring casual sex. Pagkatapos gawin ang bagay na yun, kinabukasan ay parang wala lang, parang nagkatapo lang kayo  ng naka sex mo at kinabukasan ay parang wala lang nangyari.

ca·su·al sex

/ˌkaZHo͞oəl ˈseks/

noun

sexual activity between people who are not established sexual partners or do not know each other well.

-According to google.

KAILAN BA NAGING CASUAL ANG SEX? 

Nakakalimutan na ata ng mga tao na ANG SEX AY REGALO NG DIYOS PARA SA MGA MAG-ASAWA! okay?! PARA SA MGA MAG-ASAWA! kaya anong casual?

Mag-asawa = Mga taong ikinasal, hindi yung mag live-in lang, hindi yun mag-asawa.

Walang masama sa sex kasi nga regalo ito ng Diyos sa mga mag-asawa pero nagiging masama ito kung ginagawa sa mali. Kung ginagawa ito ng mga taong hindi pa kasal, kung ginagawa ito ng mga tao sa parehong kasarian, kung ginagawa ito ng isang tao sa hindi niya asawa. 

Kaya nga may maagang nabubuntis, may nasisirang relasyon, may nakukuhang sakit gaya ng HIV dahil sa pakikipag sex sa taong hindi naman nila asawa. Isa rin to sa rason kaya sinabi sa Bibliya na sinabi ng Diyos na ang sex ay para sa mga mag-asawa, para maiwasan natin ang mga problemang ito. Para hindi tayo mapahamak.

Huwag sanang gawing "Casual" nalang ang bagay na ito. Ito ay napakahalagang regalo na bigay ng Diyos sa atin kaya hindi dapat gawing casual na lang. Parang ginagawa mo na ring casual ang utos ng Diyos.

Wake Up CallWhere stories live. Discover now