CHAPTER TWENTY

164 3 1
                                    

SECRETLY IN LOVE WITH YOU

Kylie POV

Nagmamadaling kinuha sa akin ni Allen ang pitchel at agad na uminom ng tubig. Hinahabol pa rin ng ilan sa kanila ang hininga.

Halos hindi naman mawala sa labi ni Carlo ang pagpipigil niya ng tawa.

Hinarap ko si Carlo at pinaningkitan siya ng mata. Agad naman umiwas ng tingin sa akin si Carlo.

Huminga ako ng malalim at tinignan sila isa-isa.

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

Ibinaba ni Allen ang baso sa table..

Tinuro ni Allen si Carlo.

"Siya.. siya ang may kasalanan. Kung hindi lang namin siya kaibigan hahayaan namin siya mag-isa na lapain ng aso niyo." Inis na hinihingal na sabi ni Allen.

Nag-agree ang tatlo.

"Kylie, bakit di mo sinabi na may alaga kayong aso. Ang masama pa doon ang laki. Akala ko nga mamamatay na ako." Hysterical na sabi naman ni Daniel.

"So kasalanan pa namin? Eh kayo nga tong bigla na lang papasok sa bahay na hindi naman inyo." Sita ko sa kanila.

"I'm sorry kylie. Si Carlo ang awayin mo. Huwag kami. Nandito lang kami para maging supportive friends ni Carlo. Kung alam lang namin na ganito mangyayari samin. Sana hinayaan na lang namin pakiusap samin ni Carlo na samahan siya dito." Paliwanang naman ni Ralph.

Napabuntong hininga ako. Hinarap ko si Carlo.

"Sa susunod. Magpasabi ka kung balak mo akong puntahan dito sa bahay para sana nagbigay ako ng warning na may aso kami na talagang lalapa sa inyo ng buhay." Inis na sabi ko kay Carlo.

Nahihiyang yumuko at tumango si Carlo.

"Sorry na. Miss na kasi kita. Ilang araw din tayong hindi nagkita. Ngayun lang ako nabakante kaya nakiusap ako sa kanila na samahan ako para makita man lang kita." Paliwanang ni Carlo.

Naawa naman ako. Naiintindihan ko na gusto akong makita ni carlo. Tama siya, ilang araw din hindi namin nakita ang isa't-isa.

Acceptable naman ang reason ni Carlo. Kaya lang, Masyado ng gabi para tumanggap pa ako ng bisita. Kung pwede naman na bukas o sa susunod na araw niya ako bisitahin.

I'm always Free. Siya lang naman itong may kina-a-abalahang iba.

Napabuntong hininga ako..

"Okay, fine.. magsiuwi na kayo. Anong oras na oh." Sabi ko sa kanila. Nagsitayuan na ang mga kaibigan ni Carlo.

Sinamahan ko sila sa hanggang sa labas ng bahay.

Nagpaalam na sa akin ang mga kaibigan ni Carlo at sumakay na sa loob ng kotse. Si Carlo na lang ang kasama ko ngayun.

Humarap ako sa kaniya. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.

"I'm sorry kylie." Aniya.

"It's okay Carlo. You don't need to say sorry."

"But still may kasalanan pa rin ako sa'yo. I know we're not in relationship yet. Ngayun palang parang napapabayaan na kita. I'm sorry Kylie. Sana hindi ka magtanim ng galit sakin dahil sa mga ginagawa ko." I shut him off.

"Tama na kakaexplain Carlo. Ang mahalaga okay na tayo hindi ba. Tyaka you already explain to me everything. Kaya wala ka na dapat pang ipag-alala." I said and smiled at him.

He smile and hug me.

Humiwalay na ako sa pagkakayakap niya sa akin. "Pano 'yan. Uwi na kayo."

Tumango si Carlo. "See you tomorrow." He said and kiss me.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon