CHAPTER FOURTY-TWO

113 7 0
                                    

CONTRONTATION

KYLIE POV

Hindi makatingin sa akin ni Ayessa at Jestine. Pinipigilan ko ang emosyon at matapang silang tinitigan. Hindi ako makakapayag na tapak-tapakan nila ako. Matagal na akong nagtitimpi sa kanila. Hindi na ako tatahimik na lang at iiyak.

Ayoko ng umiwas. This time, haharapin ko na ang problema.

Lumabas muna ang magkakaibigan. Tanging kami na lang ni Ayessa at Jestine ang nandito.

Ang pinipigilan ko na emosyon ay kusang lumabas. Sinampal ko si Ayessa. Gulat itong tumingin sa akin.

Pinagpapawisan ako ng malagkit. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko na mapipigilan pa ang galit na matagal ko ng tinatago.

Kung noon ay nagagawa nila akong saktan. Hindi na ako makakapayag pa. Ayoko ng bumalik sa dati na sobrang hina ko. Ngayun pa na kasama ko na si Carlo.

"I can't believe you can do all of this Ayessa. Sinubukan ko kayo intindihin dati kaya ako na mismo ang lumayo at umiwas pero sobra na kayo. Akala ko noon, ang bait mo. Halos tingalain na kita sa sobrang bait mo sa akin kahit na nakipagrelasyon ka noon kay Red. Tinanggap ko lahat ng iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang inggit na inggit kayo sa akin. Hindi ko kasalanan kung nasa akin ang buong atensyon nila." Huminga ako ng malalim at muling pinagpatuloy ang sasabihin.

Hindi ko na napigilan pa ang sariling maluha.

"Masaya ako dahil nakilala ko kayo. Yun ang totoo. Hindi ako nagpakita ng kahit anong masama sa inyo para lang maging kaibigan ko kayo. Wala akong ginawa para saktan kayo pero itong ginawa niyo sa akin ang hindi ko matanggap. To the point na mas ginusto ko na lang mawala yung sakit para hindi ko paulit-ulit na maalala."

Tahimik lang ang dalawa at nakikinig lang sa akin.

"I hate you Kylie. Since the day na dumating ka sa Tolentino University. Everyone likes you. You're a tranferee but you already got everyone attention. All of them wants you to be their friend. Ako yung nauna, ako yung hinahangaan nila pero dahil sayo kaya wala na yung mga taong humahanga sa akin. Ang dami kong ginawa para lang mapansin ako ni Red. Inagaw mo siya sa akin. Nung umamin sa akin si Ralph na gusto niya ako. Pumayag ako kasi gusto ko pagselosin si Red. Para umamin na siya sa akin pero ng dahil sayo, mas lalo ako nahirapan na makuha siya. Nakuha ko pa gamitin si Ralph para lang mapansin ako ni Red. Kahit na naging kami, alam ko na minahal ka na niya ng time na yun. Masakit yun para sa akin." Hinanakit na pahayag ni Ayessa. Pati rin siya ay tumutulo na ang luha.

"Ginawa ko ang lahat para mapasaya ko si Red pero wala na eh. Hanggang sa nakipaghiwalay na siya sa akin. Tinatanong mo kung bakit siniraan kita at gusto kitang makitang nasasaktan? Ang saya-saya mo na parang ang dali lang para sayo na magkaroon ng dadamayan ka at p-protektahan ka. Kasi maraming nagmamahal sayo. Ikaw itong pinag-aagawan ng dalawang lalaki. Kasalanan mo kung bakit ko nararamdaman ito Kylie. Hindi mo ako masisisi kung bakit ko to ginagawa sayo." Aniya habang hindi tumitigil ang luha sa mga mata niya.

Hindi ko makita yung point na gustong iparating sa akin ni Ayessa. Hindi ko naman ginusto na maraming magmamahal sa akin. Hindi bilang babae kundi bilang kaibigan nila.

"Nakuha mo agad ang tiwala ng PG Squad habang ako nahihirapan pakisamahan sila dahil nakipagrelasyon ako sa dalawang kaibigan nila. Masakit para sa akin na ang tingin nila sa akin ay cheater at mang- gagamit." Sinagot ko si Ayessa.

"Hindi ko ginusto na maranasan mo ang lahat ng iyon Ayessa. Kung nagkagusto man sa akin si Carlo at Red. Hindi ko na kasalanan pa iyon. Kung sana in the first place inamin mo kay Red ang nararamdaman mo edi sana hindi na umabot sa point na ako at si Ralph ay masasaktan lang ng dahil mahal na mahal mo si Red. I never hurt you the same way you did to me. Huwag ka gumawa ng excuse para ijustify mga maling ginawa mo sa akin. Bully and destroy me just to get what you really wanted. Bakit hindi ka na lang mag-sorry sa akin. Madali lang naman ako kausap Ayessa." Inis kong sabi.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon