CHAPTER THIRTY-NINE

103 5 0
                                    

HOW IT ALL STARTED

CARLO POV

Pinatawag ko ang mga kaibigan ko. Pati na rin si Marielle at Floyd. Sila lang ang malapit kay Kylie. Nalaman ko mula kay Nathan na matagal ng sira ang pagkakaibigan ni Jestine at Kylie.

At first their was mad at me. Expected ko na iyon na reaction nila sa akin. Hindi ko rin masisisi sila kung ganun ang pakiramdam nila sa akin after what I did to Kylie.

Naging kaibigan din nila si Kylie at katulad ko. Pinakaiingatan din nilang kaibigan si Kylie.

Matagal man akong nawala. Hindi ko kahit kailan nakalimutan si Kylie.

Kylie is my love of my life. Nasaktan ko siya at alam kong nakarating na sa kaniya ang tungkol sa amin ni Valerie. Bumalik kami ni Val para ayusin ang lahat at yun ang magkabalikan kami ni Kylie.

She help me to get her back. She felt Guilty dahil nasaktan si Kylie. Wala naman may gusto ng lahat. Pareho kaming naging biktima ng sarili naming magulang. Nakipagkasundo ako sa magulang ko na papatunayan ko sa kanila na hindi ko kailangan magpakasal para may masabi silang matibay ang pagkakaibigan ng dalawang pamilya.

Tinulungan ako ni Val at ngayun nga ay may kanya-kanya na kaming sariling buhay.

Hinarap ko ang magulang ni Kylie without her knowing. Gusto ko na ako mismo ang hihingi ng permiso para ligawan ulit si Kylie. Hindi sila pumayag dahil nasaktan ko ang anak nila pero ginawa ko ang lahat para mapapayag sila. At yun ay gawin ang gusto nila. Binigyan din nila ako ng kundisyon na kung papatawarin ako ni Kylie. Papayag na sila na maging parte ulit ako ng buhay ng anak nila. Sa ngayun, galit pa rin si Kylie sa akin kahit hindi pa kami nagkikita. Ginawa ko ang lahat para patunayan sa kanila na karapat-dapat ako para sa kanilang unica iha.

Hindi nila alam na ako ang bago nilang stockholder sa company nila. Gusto kong mapalapit ulit sa magulang ni Kylie. Kahit na laging galit sa akin si Sir Cruz. Sa huli ay napatunay ko sa kanila na hindi na ulit mangyayari ang dati.

After one year, pumayag na sila na ligawan ko si Kylie.

Ang dami kong hirap na pinagdaanan para makaharap lang si Kylie.

Nakipagkita ako sa mga kaibigan ko. Sinuntok agad ako ni Floyd. Tinanggap ko iyon at hindi gumanti sa kaniya. I know I deserve this.

"Pagkatapos mong saktan si Kylie babalik ka ngayun dito at gusto mo na magkabalikan kayo. Are you out of your mind? Baka nakakalimutan mo Carlo. She was depress and heartbroken when you left her. Walang araw na lagi siyang umiiyak ng dahil sayo!" Galit na sabi ni Floyd.

Marahan akong tumango at bumangon. Pinahid ko ang dugo na nasa labi ko.

"I know that's why i'm here. Please tulungan niyo ako kay Kylie. Gusto kong bumawi sa kaniya." Umiling si Floyd.

"You can't do anything Carlo. Masyadong nasaktan si Kylie. Do you think na papayag siya na magkabalikan kayo. Maayos na ang buhay niya ngayun na wala ka na sa buhay niya." Tinamaan ako sa sinabi ni Floyd.

Tama siya, nasa maayos at tahimik na buhay si Kylie. Sinaktan ko siya ng sobra at ngayun ay papasok ulit ako sa buhay niya. Sigurado ako na hindi na siya magtitiwala ulit sa akin.

"Floyd, alam kong malaki ang naging kasalanan ko kay Kylie but believe me. Gusto ko ayusin ang lahat sa amin. Kaya ako bumalik para magkaayos kami." Sumabat si Red.

"Bakit ngayun lang Carlo? Matagal ka niyang hinintay. Ako ang lagi niyang kasama at alam ko na sobrang nasaktan si Kylie. Kung pwede nga lang na ako na lang ang mahalin niya pero alam nating pareho na mas mahal ka niya kasya sa akin. Pero sige, patunayan mo na kung talagang mahal mo si Kylie. Subukan mo ulit mapalapit sa kaniya." Mahabang pahayag ni Red.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon