Chapter 8
Vius Point of View
Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay napaatras ako at agad na tumakbo pabalik sa upuan namin without Mom and Tita noticing it. Pagkarating ko sa upuan namin ay kinuha ko ang bag ko at pumara ng jeep.
"Hoy Aziel! Saan ka pupunta?!" rinig ko pang sigaw nina Clyde at Tristan pero hindi ko na pinansin dahil galit ako ngayon.
Umalis na ang jeep na sinakyan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naisipan ko naman na pumunta kina lola kaya naman doon nalang ako dumeretso.
Pagdating ko sa bahay nila lola ay nagmano ako at niyakap si lola.
"Oh anong nangyari Vius ko?" tanong sa akin ni lola nang yakapin ko siya at bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Tahan na..." hinaplos din ni lola ang likod ko.
Nang humanahon na ako ay pinaupo ako ni lola sa sofa. Kinuhanan naman nila ako ng tubig at ipinainom iyon sa akin. Patuloy parin sa pag haplos si lola sa likod ko.
"Vius apo, anong nangyari bakit ka umiiyak? Bakit nag-iisa ka lang? Nasaan ang mama at ate mo?" sunod-sunod na tanong nila sa akin. Inilapag ko naman ang baso sa center table.
"Lola, may nalaman po ako ngayon. Tungkol kay papa." I told them.
"What is it?"
"It's Tita Amirrah. Si Tita Amirrah pala yung babaeng nabuntis ni Dad lola."and I cried again.
"Shhhh...Did your Ate know about it?"
"Not yet lola."
"How about your Mom? Did she know that you already know about it?"
"Hindi din po lola. Please don't tell them that I already know about it especially ate, ayokong masaktan siya Lola." I told my grandma.
"Ok, ok, you have my word. Pero paano mo nalaman?" Lola asked me.
"Kumakain kami sa Carinderia near our school and coincidence naman na nandon sina Mom and Tita Amirrah. Then I was about to startle Mom when I heard what Tita Amirrah said." I explained.
"Oohhhh..." at parehas na kaming natahimik ni Lola.
Nanatili ako sa bahay nila hanggang gabi. Matapos naming mag dinner ay sinabihan ako nina Lola at Lolo na umuwi na pero ayaw ko pang umuwi. Sinabi ko rin na dito muna ako kahit ngayong gabi lang at pumayag naman sila.
Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin at matapos ko naman ay dumeretso na ako sa kwarto ko. May kwarto din kaming nakalaan dito sa bahay nina Lola. Lola Alicia was my Mom's mother.
Pagdating ko sa kwarto ko ay nag-ayos muna ako ng sarili. After I showered, I powered on my phone because I powered it off a while ago so that I won't be bothered.
Pagbukas ng phone ko ay nagulat ako sa 49 missed calls and 117 messages. 15 missed calls and 32 messages came from my sister. 5 missed calls and 15 messages came from Mom. 15 missed calls and 40 messages came from Tristan. 14 missed calls and 15 messages came from Clyde. While Ate Aeious has 15 messages too.
Hindi ko na binalak pang basahin isa-isa ang mga messages nila dahil alam ko naman nang it's all bout where am I, what happened and so on.
I decided to message Ate Vian that I'm at Lola's house.
To: Noona
Yah! I'm at Lola's house. Don't worry. I'll go home tomorrow.
9:26pm Sent√
YOU ARE READING
Kindred Spirits
Teen FictionA Story starring two childhood bestfriends who has never wanted anything more than to be by each other's side. But, will that continue and last when they disclose a confidential secret? Or will their friendship wither like a flower that's been negle...