Chapter 19
Vian's Point of View
Ngayon ang photoshoot ko kaya hindi ako pumasok. Nag message na ako kay ma'am at nsgpadala ng excuse letter kay Aeious na ibibigay niya sa subject teachers namin. Si Vius naman ay pumasok rin at ang kasama ko ngayon ay si Mom.
May ibinigay pala si Ae sa aking gift kagabi. Kasama ko siyang nag-unbox at nagtawanan kami dahil pagbukas ko ay napkin ang bumungad. Yes napkin for red days at may tatlong pirasong chocolate.
"Buksan mo muna kasi yung napkin." sabi niya na siyang ginawa ko.
Nagulat ako nang pagbukas ko ay nakita ko ang isang poging nasa papel. Nasa ilalim pala ng napkin ang In demand Photo card na matagal ko nang hinahanap! In demand at prio photo card ko kay Jungwon.
Agad ko namang niyakap si Aeious at nag-thank you sa kanya. Hindi parin ako makapaniwala na meron na ako ngayon nung prio ko. Pumasok na ako sa bahay ganon din si Ae dahil gabi na rin.
Ngayon ang photoshoot ko. Nakapagpicture na kami sa isang tourist spot sa lugar namin at lilipat nanaman kami sa ibang lugar. Syempre, paiba-iba ako ng suot. Bawat lugar, ibang damit.
Apat na lugar ang pagshoshootan namin kaya apat na palit. Oh 'diba astig. Ang init-init pa naman ng mga pinapasuot sa akin. Cocktail Dress yung sa una tapos sa susunod cocktail dress ulit. Ang dalawa naman ay isang Wrap Dress at isang A-line Dress.
Sinundo rin namin si Vius kanina sa school. Sinabi ni Mom na isama nalang namin siya kaya ipinaalam ni Mom si Vius sa teacher nila at sinundo namin siya sa school. Wala daw kasi siyang kasama pag-uwi kaya sinama na rin namin siya.
"Ay Ate. Wala daw pasok bukas." sabi ni Vius habang nanonood ng anime sa phone niya.
"Sino nagsabi?"
"Sa school. Inannounce kanina. May contest daw yata ang mga taekwondo players." tumango naman ako sa sinagot niya.
"Ilang araw daw?"
"3 days." sagot niya at hindi na ako muling nagtanong.
Malapit na kami sa susunod na pagpipicturan ko ay tumunog ang phone ko. Nang tignan ko iyon ay may nag message pala sa akin sa Instagram. Binuksan ko naman ang Instagram ko para tignan kong sino ang nag message.
SHORT FILM COMMERCIAL PROJECT
zane_df: guys! bukas sama kayo
Imaeios.u: saan?
saan?
zane_df: tournament sa TKD
aiden_gnzls: manood kayo bukas.
Imaeios.u: sige sige. kasama kayo?
zane_df: yep but it's only aiden who will compete tomorrow.
bakit naman?
zane_df: the next day pa ako.
Imaeios.u: sige support kami bukas at bukas ng isa. Wala namang pasok eh.
aiden_gnzls: okay we'll fetch you tomorrow.
ok.
teka, dapat nagkaklase kayo ah
bakit kayo nakakapagphone?
YOU ARE READING
Kindred Spirits
Novela JuvenilA Story starring two childhood bestfriends who has never wanted anything more than to be by each other's side. But, will that continue and last when they disclose a confidential secret? Or will their friendship wither like a flower that's been negle...