Resort Part 2

10.7K 303 7
                                    

Patricia’s POV

Kumakain na kami ngayon.

“Masarap ang niluto mo!” sabi niya sakin habang kumakain.

“salamat!” sabi ko naman sa kanya.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa kama.

Sa kama?

Pareho kaming nakatayo sa harap nang kama.

I gulp and said “Si-sige sa sahig nalang ako. Sa tingin ko naman may blanket naman dyan e”

“no ako nalang sa sahig.” Sabi niya sakin.

“Ako nalang” sabi ko

Saka pareho kami naghanap nang blanket na pwedeng ilagay sa sahig.

“Ako na ditto. Ako ang nakakuha nang blanket!”

“sure ka ?”

“OO sure ako!”

Inayos niya ang higaan niya. Nahiga na rin ako sa kama.

Siguro mga 15 minutes na rin akong nakahiga pero hindi ako makatulog.

Harap dito

Harap doon

Higa

Dapa.

Left

Right.

Uuurghh! Bat ba kasi hindi ako sanay?

Naupo ako sa may kama. At saka ko tiningnan si Alex,

Nakita kong nakapikit na siya, ang inosente nang mukha niya. Dimo iisipin na isang successful na businesswoman na siya. 

Sinong mag aakala na makakasam kita ulit Gretta? Or should I say Alex?

Ngayon ko lang na realize sobrang liit nang mundo.

Its been 3 years nung huli kitang Makita, nung huling beses na sinabi mo sakin na mahal mo ako.

Kung kelan handa na akong mahalin ka. Saka ka naman nawala sakin.

Masakit isipin pero ito yung katotohanan.

Truth really hurts.

Lalo na ang katotohanang wala na dapat ibalik sa atin.

Ang katotohanan na kahit kalian ay hindi kana mapapasakin ulit.

Ang katotohanan na hindi mo na ako mahal at hindi na muling mamahalin pa.

I took a deep breath.

Hihiga na sana ako nang biglang nawala ang ilaw. Biglang nag brown out.

“Aaaaaaaaaaaaaaah!!!” sigaw ko.

Siguro ngayon alam nyo na. may pagkakapareho rin kami ni Anne, pareho kami takot sa dilim. Takot ako na walang ilaw na nakapaligid sakin.

Naramdaman ko ang kamay na biglang sumakop sa buo kong katawan.

Naramdaman ko ang kamay na nakayakap mula sa likod ko.

Sino to? Dahil sa takot ay lalo akong napasigaw.

“AAAAAAAAAaahhh!!”

Tinakpan niya ang bibig ko nang mga kamay niya.

“Hush! Its me Gretta” narinig kong bulong niya sa akin. Ramdam ko ang mainit na hininga nya sa tenga.

Feeling ko may libong libong bultahe nang kuryente ang naramdaman ko sa buo kong katawan.

At yung sinabi niya. She said she was Gretta.

You're My BOSS (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon