Where am i?

8.5K 210 3
                                    

Patricia's POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas. Boses nang mga kalalakihan.

Napamulat ako at inilibot ang paningin ko sa paligid.

Nasaan ako?

Hindi naman luma yung bahay na to.

Nasa isang kwarto ako. Malamang kasi may kama.

Hindi naman ako nakatali.

Napabalikwas ako nang bangon at pinilit buksan ang pinto nang kwarto kung nasaan ako.

Pero sa tingin ko nakalock siya kasi kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga siya mabuksan.

Pero hindi ako susuko!

Sinubukan ko pa rin na buksan ang pinto.

Bumukas ang pinto. Napangiti ako.

Pero napawi ang ngiti nung may makita akong nakaharap sakin na isang lalaki sa may pintuan.

"Gising kana pala!" sabi niya.

Napaatras ako.

"Si-sino ka?"

"Kumain kana." Sabi niya saka ibinigay sakin ang isang plato nang pagkain. "Malalagot ako sa amo ko kapag naabutan ka niya na patay!"

Kinuha ko ang pagkain.

Patay?

Biglang nagsitaasan ang balahibo ko.

Pagkatapos niyang ibigay ang pagkain ay muli niyang isinara ang pinto.

Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Walang ibang madadaanan ditto kundi ang pinto lang talaga.

Walang bintana kundi pintuan lang.

Ano gagawin ko?

May orasan din sa loob nang kwarto.

Naghanap ako sa mga drawer kung may mahahanap ako na pwedeng magamit para makatakas ako.

Pero nahalungkat ko na lahat pero walang laman ang mga drawer.

Naupo ako sa kama at saka napa face palm.

Ano gagawin ko?

Napatingin ako sa orasan.

4:00 pm

Hapon na pala. Mag gagabi na pero hindi man lang ako makaalis sa lugar na to.

Nasa may kama ako nang biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang lalaki na siya ring nagbigay nang pagkain sakin kanina.

May inihagis na bagay siya sa may kama at saka muling isara ang pinto.

Kinuha ko ito at tiningnan.

Damit?

Oo nga pala. May CR na din dito.

Naligo na ako sa CR.

7:P.M

Bumukas ulit ang pinto at binigyan ulit ako nang pagkain at saka sinara ulit ang pinto.

9PM

Nakahiga ako sa kama. Hindi ako mapalagay. Hindi ko alam. Gusto ko nang makaalis ditto.

Lumapit ako sa may pinto at saka pinakinggan kong may ingay sa may labas.

Narinig ko ang isang lalaki na siguro may kausap na phone.

"Opo Mam! ... ayos naman po siya pinapakain ko po sa tama. ... eh Maam Mae ano po ba gagawin niyo sa kanya? ..... oh sige po. .."

Napatakip ako sa bibig ko.

Sinasabi ko na nga ba. Ang babaeng yun ang may pakana nang lahat nang to. Lagot talaga siya sakin kapag nakaalis ako sa lugar na to. Pagbabayarin ko siya.

Votes and Comments for Update ^^

You're My BOSS (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon