Hinahanap hanap kita

8.6K 203 1
                                    

Alex Gretta's POV

Nagising ako dahil sa pag ring nang phone ko. Natural nay un sakin. Sa trabaho ko lagi naman talagang na iistorbo ang pagtulog ko, pero ayos lang yun sakin.

Tiningnan ko ang screen nang phone ko at saka napakunot ang noo ko.

Anne Calling ...

Si anne?

Bakit kaya siya napatawag?

"Hello!"

"Hello Gretta"

Gretta talaga? I don't want to use that name again.

"Bakit?"

"Nakita mo ba si Pat? Kasama mo ba siya?"

Lalong napakunot ang nook o.

"Ha? Pero nauna pa siyang umuwi sakin kahapon. Bakit?"

"Tinatawagan ko kasi ang phone niya pero out of coverage."

"Ano? Sige sige tatry ko rin siyang tawagan" sabi ko sakanya. and I ended the call.

Tinawagan ko ang phone ni Patricia.

Nakailang tawag ako pero iisa lang ang sumasagot sakin.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

UuurrghHH! Ano ba nangyayari?

Nawawala na nga ang kapatid ko tapos pati si Patricia nawawala rin.

Bakit ba nangyayari to?

Ano ba nagawa ko?

Bakit nawawala ang mga taong malapit sakin.

Dahil sa biglaang pagkawala ni Meifen at ni Patricia ay hindi ako pumasok sa trabaho ko. Pina cancel ko lahat nang mga appointment ko.

Hindi rin naman ako makakapag concentrate sa trabaho ko kapag alam ko na nasa panganib naman ang mga taong mahal ko

Pinuntahan ko na rin si Anne sa bahay nila.

"Ano? Na kontak mo na ba siya?" tanong sakin ni Anne.

"Out of coverage din siya." Sagot ko sa kanya.

Napaupo sa may sofa si Anne. Buti nalang kasama niya rin si Raine para maalalayan siya.

"Diyos ko! Baka nakidnap na ang kakambal ko!" sabi ni Anne.

"Sino naman ang gagawa nun?" tanong ko naman sa kanya.

Nakikita ko sa mga mata ni Anne yung takot. Siguro kasi dahil na rin sa nangyari sa kanya noon. Nung nakidnap na rin siya at muntik niya na rin ikamatay yun.

"Hindi ko alam, baka may karibal sayo ang kakambal ko? Baka siya ang may gawa nun!"

Karibal sakin? Napaisip ako.

Si Mae lang naman ang kaagaw niya kung sakaling ganun nga.

Pero alam ko naman na hindi yun kayang gawin ni Mae. I know her.

"Wag ka mag alala Anne. Ipapahanap ko si Patricia kahit anong mangyari, hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya."

"salamat Gretta. Please! Ibalik mo ang kakambal ko" sabi sakin ni Anne na may malu luhang mata.

Tumango nalang ako sa kanya at saka umalis nang bahay.

Tumawag na rin ako kung anong balita rin sa kapatid ko pero wala rin silang balita.

Nasaan na sila?

Ano ba talaga nangyayari?

Nasa bahay na ako at hinintay ang balita na matatanggap ko


You're My BOSS (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon