You're My Boss

10.6K 222 2
                                    

Patricia's POV

"Ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Anne.

Nasa opisina ko siya ngayon. Binisita niya ako.

Naalala ko lang si Alex.

Kumusta na kaya siya?

Sino kaya ang bagong secretary niya?

It's been one week!

"O-oo naman ayos lang ako!"

Napapailing nalang siya.

"Bakit dika muna magbakasyon? Stop forcing yourself na kaya mo" sabi niya sa akin.

"I really cant help it! Ayokong isipin siya but suddenly malalaman ko nalang na iniisip ko na naman siya. Haaayst! Diko na alam ang gagawin ko Anne" sabi ko sakanya.

"Get some rest okay?" sabi niya saakin.

Tumango nalang ako sa kanya.

Biglang may kumatok sa pinto.

"Sino yan?" tanong ko.

"Si Steff!"

"Ahh okay sige! Pasok ka." Sigaw ko. Pagkapasok niya "Ano yun?"

"Pinapatawag ka nung boss natin. May sasabihin daw sayo."

Boss? The real owner? Si Mommy ba yun? O yung ka partner ni Mommy?

Tumango nalang ako sakanya.

Lumabas na ito nang opisina ko. At saka naman bumaling ako kay Anne.

"So panu Anne? I have to go. May kailangan yata sakin e!"

"Oh sige! :D" sagot niya sa akin.

Umalis na ako nang opisina ko at pumunta sa isang room kung nasaan ang opisina na sinasabi ni Steff kanina.

Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sakin pero I have to do this.

Hinawakan ko ang door knob at dahan dahan itong binuksan.

Nakatalikod ang upuan niya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"GoodMorning po :)" sabi ko.

Dahan dahan niyang inikot ang upuan niya.

Nakangiti siya sakin and I was shock.

My heart start to beat fast.

"Alex?"

"Ako nga!"

"Youre My Boss?" tanong ko.

Pero hindi siya nagsalita. Nakangiti lang siya sakin.

"Yes! I am" sabi niya sakin.

"Pe-pero paano nangyari yun?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hindi ba sayo sinabi nang Mommy mo? Na ako ang business partner niya? Na I own 80% shares of this company. And im the one who hired you!" pagpapaliwanag niya sakin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon.

Dapat ba maging Masaya ako? Kasi makikita ko na naman siya. Magkikita na naman kami.

O dapat ba maging malungkot ako? Kasi makikita ko na naman kung gaano sila kasaya ni Mae.

Tama si Mae. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang Masaya.

Pero ang gusto kong malaman bakit? Bakit siya nandito? Bakit niya ako pinatawag? Bakit?

Tumayo sya at saka naglakad papunta sakin.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Patricia, kung papayag ka ikaw nalang ang Boss ko. Kasi ikaw lang ang gusto kong sundin Pat. Ikaw lang gustong sundin nang puso ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama sa araw araw. Sa pangalawang pagkakataon sasabihin ko sayo na mahal na mahal kita" sabi niya sakin, kasabay nang mga salitang binibitawan niya ay ang pagpatak nang mga luha.

"Pe-pero pano si Mae?" tanong ko sa kanya.

"Wala na kami ni Mae, nakipag break ako sa kanya nung time na umalis ka sa company ko."

"Pero bakit mo pinatagal bago ako puntahan ditto?"

"Kasi natatakot ako Pat, natatakot ako na tanggihan mo ulit ang pagmamahal ko sayo. Natatakot ulit akong masaktan. Dahil mula noon hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko. Walang nagbago! Pero ngayon Pat sinasabi ko ulit sayo na mahal kita kasi handa na akong masaktan basta ikaw yung dahilan."

Tuloy tuloy ang pagtulo nang luha ko.

I was speechless.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Parang sasabog ang puso ko. Sasabog ang puso ko sa tuwa.

Totoo ba to?

"Please Patricia sabihin mo lang sakin na mahal ako. Hinding hindi na kita iiwan. Patricia will you be my girlfriend?"

Ngumiti ako sa kanya habang patuloy sa pagtulo ang luha ko.

"Oo" sagot ko sakanya.

"Talaga?"

"Oo" sagot ko ulit sa kanya saka tumango pa.

HInalikan niya ang kamay ko at saka pinunasan ang luha ko sa mga mata ko.

"Please! Say you love me." Sabiniya akin.

"Mahal kita! Mahal na mahal :)" sabi ko sakanya.

She pulled my head and kiss me on my forehead.

"I love you More!" sabi niya saka ako niyakap.

Habang magkayakap kami ay biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Anne at si Meifen.

Pumapalakpak ang dalawa at halatang tuwang tuwa.

Pero hindi namin sila pinansin.

Hinawakan niya ang kabilang pisngi ko and she kissed me.

"tara na nga ate Anne nakaka istorbo na tayo." Sabi ni Meifen saka isinara ang pinto.

Habang kami ay patuloy pa rin sa ginagawa namin.

You're My BOSS (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon