Epilogue

2.8K 22 0
                                    

Its been a year now.

Hahaha. Nakakatawa talaga ang mga nangyari sa akin. Hanggang ngayon na aamaze pa rin ako.

Nasabi ko na sa mga magulang ko na buntis ako. Ang saya nga eh. Tapos pinagalitan ako at tinanong kung sino ang ama. Ang sabi ko hindi ko kilala. Naniwala naman sila. Makatapos ang ilang araw. Pinadala nila ako dito sa Dubhai. Pinadala nila ako kay Ina.

Akala nila aayos ang buhay ko dito sa Dubhai dahil nandito si Ina. Mali ako. Mali sila.

Niloko kami ni Inay. Sabi niya ay nagtatrabaho siya bilang nurse sa isang pampublikong hospital.

Hindi pala.

Ang tanga namin. Nakakatawa. Pok pok si Inay! pok pok siya dito. Nagbebenta ng laman para kumita. Binebenta niya ang katawan sa mga Arabo at Indiano. And worse niloko niya si Ama. May sugar daddy si Inay at sinasaktan siya nito. pati na rin ako sinaktan. Pero ayos lang nagpapahinga na si Ina. Hindi na siya masasaktan.

Kasama niya na ang baby ko. Nagpapahinga. Kung saan di na sila sasaktan ng tarantado niyang sugar daddy.

hahahahahaha. nakakatawa talaga. Banaman isang araw ay tinulak ako sa hagdan ng sugar daddy ni Ina.
Humingi ako ng tulong pero tinawanan niya lang ako at sinabing mamatay na ako para wala ng palamunin.

Nakita ko na lang kinaumagahan nasa ospital na ako kasama si Ina.
ito ang part na nakakatawa. Sabi niya patay na daw ang anak ko.

Nakakatawa talaga. Hindi ko alam kung ano gagawin ko noon. ang natandaan ko lang nagwala ako at umiyak pero sa huli tumawa na lang ako.

Makaraan ng isang buwan nakita ko na naman na binubugbog ng sugar daddy ni ina si Ina. Nagalit ako. Kaya kinagabihan ay pumunta ako sa kwarto ni Ina at sinaksak ko siya ng ilang beses sa dibdib. Ang sabi ko para mawala na ang paghihirap niya papatayin ko na lang siya para na rin magsama na sila ng anak ko para mabantayan niya para sa akin.

Bago siya tuluyan mawalan ng malay, hinawakan niya ang mukha ko sabay sabing.
"Wala na ang anak ko. Wala na ang masayahin kong anak. Mahal kita."

Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na maintindihan basta pumunta ako sa kwarto ng kinakasama ni Ina at sinaksak ng marami. Galit ako sa kanya! Galit ako dahil pinatay niya ang anak ko. At galit ako sa kanya dahil ngayon lang nasabi sa akin ni Ina ang mga salitang matagal ko ng inaasam kung kailan hinayaan ko na siya na bantayan ang aking anak. Kasalanan niya iyon! Kasalanana niya!!!

hahahahahaha.

At eto ako ngayon. Dalawang beses na nga akong nilipat. Una sa police station ngayon nasa mental na ako. Nakakatawa ang dami kong nakilala na kaibigan. Lagi silang tumatawa. Katulad ko.

hindi ko nga maintindihan kung bakit ako nandito sa mental. Di ba mga baliw lang ang napupunta dito? Hindi naman ako baliw. Ang sinabi lang nila pinatay ko lang naman ang sarili kong ina. Hindi ko siya pinatay! Pinapunta ko lang siya sa anak ko para mabantayan niya ito.

ano ang mali doon?

Ngayon napagisip isip ko na. Susundan ko na lang ang anak ko at si Ina.


THE END
------------
grabe sabaw ng ending. hahahaha sorry first time po.

Fvck Love (short-story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon