Amira

2.3K 23 0
                                    

Nag iisa na naman ako. Kailan ba nila malalaman na wala akong kasalanan, na hindi dapat ako ang ginagawan nila ng masama kung hindi si Ken. Siguro sarap na sarap na yun sa isang daang libo na nakuha niya sa pustahan.

Sa mga linggong nagdaan lagi akong kinakabahan, dapat ay nung isang linggo pa ako nag karoon ng dalaw ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin at tuwing umaga ay nakakaranas ako ng pagduduwal.

Masamang pakitain. Sana hindi tama ang naiisip ko dahil kung hindi ay napaka bata ko pa. 17 anyos pa lang ako para magkaganito.

At kung mapatunayan ko na tama ang mga hinala ko, isa lang ang tumatak sa isip ko pupuntahan ko si Ken at ang mga magulang niya kailangan kong sabihin sa kanila ang totoo.

Kinabukasan pumunta ako sa isang Oby na doctor at doon ko na patunayan na buntis talaga ako.

Hindi ko alam kung ano maratamdaman ko iiyak ba dahil sa murang edad ay nagkaroon na agad ng laman ang sinapupunan ko o matutuwa dahil nagkaroon ng bunga ang pagmamahal ko kay Ken. Oo pagmamahal ko lang dahil alam ko naman na hindi ako nagawang mahalin ni Ken dahil para sa kanya isa lang akon pustahan.

Agad akong pumara ng taxi at dumiretso sa bahay nila Ken.

"Tao po."

"Tao po."

Biglang nagbukas ang pinto at iniluwa ang isang mukhang bata at sopistikadang babae. Sa pagbungad ng mata niya sa akin ay agad na napataas ang kanyang kilay. Isa lang ang masasabi ko masungit ang isang ito.

"Ano ang kailangan mo?"

"Hinahanap ko po si Ken. Andyan po ba siya?."

"Ako ang mama ni Ken ano ang kailangan mo sa kanya at sino ka?"

Napakagat labi ako sa tono ng boses na aking narinig mula sa Mama ni ken. Nag simula na namang kumabog ang aking dibdib sa kaba.

"Ako po ay kanyang kaklase at naging girlfriend po ako ni Ken ng halos dalawang taon..." Mahinahon kong sabi sa kanya.

Nakita ko sa mga mata ng kaharap ko ngayon ang mahinahon na mukha at parang di nabigla sa aking sinabi. Naisip ko tuloy na kung sinabi ba ni Ken ang tungkol sa naging relasyon namin. Pero malabo iyon, pustahan nga ang relasyon namin pag katapos ay sasabihin pa niya.

"At...Nagbubuntis po ako at siya ang ama......."

Fvck Love (short-story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon