Napangiti ako ng mapait habang tinitignan ang notebook kong punung puno ng Entries.
Again sa mga oras na ito naalala ko na naman siya. Apat na taon na ang nakalilipas simula ng makilala ko siya. Still hindi pa rin nawawala ang kung anong naramdaman ko sa kanya simula nung araw na masilayan ko siya. Sana bumalik na lang yung panahong okay pa kami.
Pero ano pang magagawa ko. Kung hindi lang ako tanga hindi mangyayari ito. Hindi sana ako nagpauto, hindi sana ko nagpagamit, hindi sana ako nagpakatanga!! Tangina nakakamura talaga.
"Hi Amira. Balita ko natikman ka na ni Ken hah? Omo !! Sana ako next.Ahihi."
Napakagat labi ako sa narinig. Hiniling ko ito. Hiniling kong maging sikat at makilala ng lahat. Pero hindi sa ganitong paraan. Hindi yung nakilala lang ako dahil sa nagawa kong kahihiyan. Kilala nga ako ng lahat, sikat nga ako ngayon pero ano ang dahilan ? Dahil isa ako sa pinakatangang babaeng nagpakant*t sa putanginang demonyong lalaking iyon!!Pakshet talaga.
Unti unti kong kinuha ang posporo kong pinuslit sa gate ng school namin at sinindihan ang notebook ko ng mga entries.
Kailangan ko ng magpaalam sa mga ala alang iyon. Pinagdadasal ko na sa oras na maging abo na ang notebook ko ay tuluyan na rin maglaho ang nararamdaman ko para sa kanya.
Sana....
August 1, 2020

BINABASA MO ANG
Fvck Love (short-story) COMPLETED
RomanceStory of a girl. Her Fvck Love No she meant her First love. SPG.