Prologue

8 0 0
                                    

Ilang beses ko na sinubukang gumawa ng love story. The perfect love story. Yung bebenta sa maraming tao, kaso, bali-baliktarin ko man ang utak ko o ang keyboard ko o ang bolpen at papel na pagsusulatan ko, wala pa rin akong maisip na story. Or probably marami naman, nagkataon lang na hindi siya bumebenta. Siguro kasi hindi ako yung tipo ng writer na marunong gumawa ng nangingintab na bampira o kaya yung tipo ng writer na magsusulat ng libro tungkol sa soft porn. Hindi ako yun. Hindi ako yung story teller na gagawa ng mga superhero o ng mga prince charming, kasi wala naman talaga sila. Sila ang mga lalaking sa libro mo na lang makikita.

Tama na yang pag-eemote mo at itigil mo na rin ang paghahanap kay Prince Charming o kay Superman o kay Batman, kay Spiderman o Wolverine, kahit di maintindihan, baka sakaling pansinin (hehe, kinanta mo rin ba yung last part na yun?). Dahil hindi mo naman sila makikita. Dahil hindi sila totoo. Dahil walang taong nakalabas ang brief habang nakaleggings. At lalong hindi sa akin magmumula ang isang character na ma-iinlove ka. Kasi hindi ganon ang love story. Walang character na lubusan mong mamahalin. Walang perpekto. Walang superhero.

Malabo ba yung sinabi ko? No wonder di ako makabuo ng kwento. Kasi parang minsan pakiramdam ko, paulit ulit lang ang mga gusto kong sabihin. Minsan basta may maisip ako, sinusulat ko. Pero hindi ba yun naman ang tinatawag nating brainstorming? Ngayon, kung naiintindihan mo ang takbo ng utak ko, at mukhang pinagtiyagaan mo na rin lang ang ilang paragraphs na sinulat ko, baka sakaling mapagtiyagaan mo na rin yung mga susunod pang kabanata. Pero babala, hindi ito kwento tungkol sa pag-ibig na masaya, pero hindi rin naman ito ang kwentong malungkot. Pero tingnan mo ako, parating gutom.

Makisakay ka sa kin, habang ine-explain ko sayo ang iba't ibang klase ng jeepney sa buhay mo. Magbibigay ako ng ilang tips na maaring makatulong sayo, nasaang jeep ka man nakasakay.

Pero paalala ko lang, maaaring masaktan ka o tamaan ka sa mga sasabihin ko sa mga susunod pa.  Kung palagay mo nakakainit ng ulo ang mga sinsulat ko, isara ang computer at iwasang ibato ito. Wag mo ng subukang magpost pa sa wall ko ng kung anu-ano, dahil unang una, hindi kita friend, pangalawa, binalaan na kita. Wag kang parang bata na pinagsabihan na nga, matigas pa rin ang ulo. Kung hindi mo kayang sikmurain ang mga sasabihin ko, aba hindi para sayo ang kwento na to.

Tandaan, bato bato sa langit, pag tinamaan, walang PPE.

Ang love story ay parang jeepney. Pag di ka tumabi, masasagasaan ka.

Kaya ate, wag kang tatanga-tanga.

Ang JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon