Ang Jeepney Na Hindi Umaandar

12 0 0
                                    

Ito ang nag-iisang jeep na wala ng kinalaman sa kanya. This is all yours. Ito ang jeep na sinasakyan mo madalas kapag hindi ka makapag-move on sa jeep na naiwanan ka. Kailangan mong umandar ate. Wag kang maglasing diyan at makinig ng mga heartbreak songs ni Adele o ni Taylor Swift. Bumangon ka dyan, magpaganda ka, at pumarty ka. Wag mong sayangin ang luha mo para kay kuya na dapat noon pa hinayaan mo ng mawala. Ito ang epekto ng jeep na dapat sinakyan mo, pero hindi mo inabutan. Ito na yun ate. This is really is it.

Oo, masakit maiwan ng minamahal. Lalo na kung hindi naman kayo nagkaron ng closure. Well, hindi lahat ng closure nakakatulong. Sabi nga nila, the right closure is not getting any closure at all.

 Yung para kang binigyan ng open-ended question na sinagot mo naman ng yes or no (wait, ano nga ulit ang open ended question?). Para kang si Gwen Stacey na nakabitin sa sapot ni Spiderman (remember how that story went?). Mahirap at masakit maiwan ng taong mahal na mahal mo. Lalo na sa panahong hindi ka handang maiwan. Lalo na sa point na andun ka pa sa taas o sa climax ng pagmamahal mo sa kanya. Lalo na kung lahat ng pangarap mo umiikot na sa kanya. Lalo na rin kung pinangalan mo na bawat halaman o aso mo sa kanya. I get it. Masakit. Mahirap. Nakakainis. Nakakaiyak. Tissue please.

Pero hanggang kailan mo ba ipipilit yan? Hanggang kailan ka ba ganyan? Hanggang kailan ka iiyak para sa kanya? Hanggang kailan ka iinom para sa kanya? Aba ate o kuya, move on move on din pag may time. Pag hindi ka pa umandar, para kang yung paborito mong driver na kung kelan late ka na doon pa niya maiisipang huminto sa bawat kanto. Wag kang ganon kuya. MOVE ON. MOVE ON.

Pag hindi ka umandar, posibleng maisakay mo nga ang taong iniintay mo, pero baka sa tagal ng pag-iintay mo para lang sa isang taong sasakay sayo, eh layasan ka naman ng mga taong nakasakay na sa jeep mo.

Hindi lahat ng tao eh maghihintay din para sayo. Baka mamaya nakasakay na pala sa jeep mo ang sanang taong makakasama mo, pero dahil ayaw mo umandar, eh napagod na lang din siyang umupo dun.

Tip Number 6: Tandaan mo, ikaw na ngayon ang drayber ng jeep na yan. Ikaw na ang bahalang magpa-andar niyan. Ito ang susi, catch!

May iba sa atin na madaling makalimot, yung tipong bukas lang okay na. Meron naman na inabot na ng ilang dekada eh hindi pa rin nauuntog sa taong mahal na mahal niya. Hindi ko sinasabing may mali sa kahit ano sa kanila. Sabi ko nga, ikaw na ang bahalang magpa-andar niyan. Pero kailangan mo ring isipin, pag nakalimot ba ako, ano nga bang mangyayari sa kin pagkatapos? Magiging masaya ba ko? Magiging masaya ba siya? Bakit ba siya nawala? Kasalanan ko ba? Kasalanan ba niya? May iba ba? Maraming tanong, maraming sagot na hindi mo na maririnig, pero ganon talaga yun. Hindi lahat ng tanong kailangan may sagot. Tandaan mo na lang na pag ang ipis nahulog sa tubig na may sabon, luminis ang ipis, pero dumumi rin ang tubig. Hindi yan either or neither or. Dahil pag hindi ka na umaandar, dalawa lang ang laging magiging epekto nun, negative sa isa, positive sa isa pa. Nasasasayo na nga lang talaga kung saan mo gustong mapunta.

Tip Number 7: Choco na Gatas o Gatas na Choco? Sa bandang huli, si Chuckie pa rin ang chocolatey buddy.

Ang JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon