Ang Jeepney Na Pinara Mo Pero Hindi Ka Sumakay

17 0 0
                                    

Marami sa atin ang guilty dito. Minsan mahilig tayong pumara ng jeep pero hindi naman pala tayo sasakay. Okay lang yun kung ang dahilan ng hindi mo pagsakay eh dahil nakita mong puno na. Pero kung dahil nagtitrip ka lang, aba eh. Tumigil ka na.

Dito tayo lahat magagaling. Magpa-asa. Yung iparamdam sa mga taong nagmamahal sa atin na mahal na mahal din natin sila kahit na may nilalandi ka namang iba.

Mga ate, kung may napili na kayong manliilgaw, wag na kayong mag-entertain ng iba. Sabihin nyo na agad na ayaw niyo sa kanya. Wag niyo na silang paasahin o pagastusin pa sa mga mamahaling bulaklak o chocolates. Kung may napili ka na, piliiin mo na siya. Hindi laro ang panliligaw. Hindi ubra dito ang maiba taya. Hindi dito applicable ang collect and collect then select. Kawawa naman si kuya. Hindi nakakatuwang masaktan ng paulit ulit. May pakiramdam din sila.

Oo, masarap yung feeling na ikaw ang reyna. Na sinusuyo ka nilang lahat at pinaparamdam sayo na sobrang special ka. Pero hindi sa lahat ng oras ganon ka dapat. Matuto kang magsabi ng stop. Hinto na, tama na, at ayaw mo na. Hindi kailangang sumakay ng jeep ng paulit-ulit. Hindi mo kailangang mag-cause ng traffic para mapansin. You are beautiful, in every single way. Hindi mo kailangan ng mga lalaking nakapila na kasing haba ng pila ng Jco para lang masabi mo sa sarili mong may nagmamahal sayo.

Ikaw naman kuya, kung hindi mo naman planong pakasalan si ate, eh wag mo na siyang ligawan. Hindi tayo kumukuha ng girlfriend dahil lang sa gusto natin. Dapat kung manliligaw tayo, hindi ka takot na pakasalan siya. Hindi ka dapat takot na panagutan siya. Kasi kaya mo nga siya nililgawan, dahil sobrang mahal mo siya. Hindi dito applicable ang the more entries you send, the more chances of winning. Wag na tayong pumara kung hindi naman tayo sasakay. Abala lang yun sa ibang tao na nakasakay na at nagmamadali.

Kung wala kayong planong magsama ng forever, eh tigilan na ang landian. Dahil sa huli may isang masasaktan. Naaalala mo ba nung bata ka pa at nakikipagharutan ka? Ano bang laging sinasabi ng nanay o tatay mo? Hindi ba sinasabi nila na, "O mamaya, may iiyak na diyan." Ganyan lang talaga tayo. Sa umpisa tawa tawa habang nakikipaglaro, pero pag may nadapa na, ayun, iyakan na ang kasunod nun. It's all fun and games until someone gets hurt. Hindi na tayo mga horse. Stop horseplaying.

Tip Number 10: Don't make para the jeep kung di ka sasakay because it's so like annoying kaya to make paasa the driver.

Kung paparahin mo ang jeep at hindi ka naman pala sasakay, diyan na magsisimula ang iba't ibang klase ng conflict at mga unresolved feelings. Dito na rin nagsisimula ang mga jeep na hindi na aandar dahil nag-iintay sila sa taong pumara sa kanila pero hindi naman pala sasakay. Tama. Dito na nga nagsisimula ang gulo. Dito na nauuso ang tinatawag nating MU - magulong usapan.

Hindi naman masama na may ka-MU ka. Lahat naman nagsisimula dun. Pero kelan mo ba masasasabing MU na? Pag nag-I love you na siya sayo? Pag ikaw na lang ang lagi niyang ka-date? Pag kinocontrol mo na sya o kino-control ka na nya? O pag sinabi mo ng Will you be my MU? Uulitin ko, walang masama sa MU as long as you know your boundaries. Boundaries. Yesssss. Big word.

Scope, boundaries, limitations, restrictions - yan. Yan ang mga salitang alam mo na agad kung ano ang sinasabi. May bawal at may pwede. May in-scope at may out-scope. Kung baga sa regalo, ilalagay mo dapat kung ano ang ipapasok mo sa loob ng gift box at alin ang hindi. Sino ang ipapasok mo sa bangka mo when the boat is sinking at sino ang dapat na taya. Kailangang malinaw sa inyo ang boundaries. Ang scope na kung hanggang saan lang kayo o kung hanggang saan ka lang.

Kung wala kang issues regarding personal space, then probably this will work out for you. Pero tandaan, ang MU ay walang karapatan. Wala kang karapatan mag-demand dahil hindi siya sayo, wala kang karapatan mangi-alam kasi hindi siya sayo, wala kang karapatan turuan siya o sabihan siya o magselos o kung ano man, dahil HINDI SIYA SAYO. Although of course, relationships are not tickets to owning someone, but it at least grants you some form of authority. Pwede kang pumasok sa teritoryo niya ng hindi ka tinatawag na trespasser. Ito na lang isipin mo, kung may ka-MU ka ngayon, dalawa lang ang pupuntahan niyan, mapunta siya sayo o mawala siya sayo. Pinara mo ang jeep at posibleng hindi ka sumakay o sumakay ka. Kung ano man ang puntahan nyang pagiging mag-MU niyo, may the odds be ever in your favor.

Pero kung ako tatanungin mo, dun na ko sa sigurado, Rite Med. Rite Med nga ba yun?

Tip Number 11: Greek letter ang MU, hindi relationship status.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon