Ang Jeepney Na Puno Na Pero Sumakay Ka Pa

54 0 0
                                    

The Legal Wife, My Husband's Lover, My Girlfriend's Boyfriend, Ang Dalawang Misis Real, Ako Legal Wife. Sa maniwala ka't sa hindi, iisa lang ang tema ng mga palabas na to. Alam mo na ba kung ano? Tama! Ito nga ang kwento tungkol sa nawawalang bato ni Darna. Akala mo ha.

Bakit nga ba marami pa sa atin ang nakikipagsiksikan sa jeep na pambihira naman eh, punong puno na? Pero sige, unahin ko ang tanong na, bakit nga ba may mga jeepney driver na nakikitang halos nagkakandungan na ang mga pasahero nya eh sumisigaw pa rin ng "Sampu pa. Isahan lang yang upuan konting usog-usog lang po." Kuya, UTANG NA LOOB. MASIKIP NA. Hindi mo kailangan ng maraming pasahero. Kailangan mo lang ng isa na makakapagpasabi sayo na sulit na sulit ang byahe mo. Hindi ka dapat nagpupumilit magsakay ng iba lalo na kung puno ka na. Wag mo ng hintuan yung sexy na ate sa kanto. Kasi nga kuya, puno ka na. Ilang anak na ba ang meron ka? Ilang asawa na ba ang meron ka? Ilang babae na ba ang inuwi mo at pinaasa? Tama na. Maawa ka sa lahing Pilipino. Ayokong magising isang araw na lahat ng katabi ko eh kamukha mo. Mandiri ka naman ng konti. Pero kawawa ka rin sa huli, dahil pag may sakit ka na o problema ka na, kahit isa sa kanila, walang matitira.

Eh ikaw naman ate? Ano bang napapala mo sa pagsakay sa jeep na puno na? Dahil ba sa thrill? Masarap bang makikandong sa iba? Masarap bang maki-agaw ng iba? Kung ikaw naman kaya ang kandungan? Masarap pa rin ba? Hindi ka kaladkaring babae ate. Wag mong gawing cheap ang sarili mo. Mahal kang nilalang. Dapat isa kang high end na sasakyan hindi isang basta bastang sabit lang. Oo, minsan masarap ang bawal. Pero gasgas na yan eh. Matuto na tayong mahalin ang pwede. Hindi porket pangalawa ka, eh mahal ka na. Hindi na lang kasi mabigay ng asawa niya ang gusto niya.

Pero bakit nga ba maraming nakikisabit? Simple lang naman ang analysis ko dyan. PERA AT / O PANGAKO. Yan. Yan ang dahilan kung bakit maraming nakikisabit. Masyado kasing maraming pinangako si Kuya o si Ate. Nangako siya na pag sumakay ka sa jeep niya, malayo ang mararating mo, na magiging masaya kayong dalawa. Pwes, tatanungin kita, masaya ka ba? Kumusta ba ang closet na pinagtataguan niya sayo?

Hindi ako against sa mga kabit ha. Naiintindihan ko naman minsan kung bakit. Kaya lang minsan parang, hello, alam mo na ngang taken na eh, lalandiin mo pa? Ikaw naman, nagpalandi ka naman. Konting isip-isip. Well, o sige, kung nasa isang long distance relationship ka, mahirap umiwas sa tukso kasi maraming nakapaligid sayo. Sabi nga nila, may physical needs din tayo. Pero hindi dahil normal na magkagusto ka sa taong madalas mong kasama, eh dapat gawin mo na. Ang law of attraction ay hindi tama sa lahat ng oras.

Tip Number 8: Tandaan, kung sino ang malapit sayo, siya ang katabi mo.

Bakit ko ba ine-emphasize tong portion na to? Kasi una sa lahat, ito ang portion na maraming naiintindihan naman pero hindi pa rin mauntog. Hindi ako ang dapat magsabi sayo ng tama, pero maawa ka sa mga anak mo. Hindi ka ba nakokonsensya na pag-uwi mo ng bahay mo, eh nakikita mo sa mga mata nila ang sobrang respeto nila sayo dahil mabuti kang magulang? Hindi ka ba nakokonsensya na habang tinitingnan mo ang misis o mister mo eh ibang mukha ang iniisip mo? Kung hindi mo yan naiisip, pambihira naman. WALA KANG PUSO.

Wag mo na sa king sabihin na minsan lang naman. Gaano ba kadalas ang minsan? Gaano kadalas kang nagtatago sa iba dahil baka malaman nilang may iba ka? Hala sige ate o kuya, tago lang ng tago. Minsan, hindi puro ulo sa baba ang pinapagana. Madalas paganahin din naman natin ang nasa taas.

Hindi masayang maging third party o fourth party o second party. Kasi mas okay na yung alam mong ikaw lang at wala kang kahati. Isip isip din pag may time. Kung matigas ang ulo mo, uminom ka ng togmoron. Tigilan na natin yung mga drama na nilalandi mo ang iba dahil lang nabobore ka na sa asawa mo o sa jowa mo. Kung nabobore ka na, ikaw na ang may problema, dahil wala ka ng ginagawa para mapasaya kayong dalawa. Kung nagawa ka nyang ipalit sa asawa nya, aba matakot ka, na kaya ka rin niyang ipagpalit sa iba.

Tip Number 9: Third party, minsan logistics, madalas ikaw. DHL lang ang tamang third party. We deliver excellence! 

Ang JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon