EMIL'S POINT OF VIEW
"Saan ka galing? Emil tatlong araw kang nawawala at hindi nagpaparamdam. Halos mabaliw-baliw na ako sa kakahanap sa iyo." salubong sa akin ni Kevin.
"Kevin, bubungangaan mo na naman ba ako? Sa tingin mo ba pagkatapos ng lahat ng mga nalaman ko e gusto kitang makita kaagad?" sambit ko dito.
"Alam ko na galit ka sa akin at hindi ko inaalis iyon sa iyo, pero sana naman ay nag-reply ka man sa isa sa mga text ko at sinabi na okay ka lang." sagot nito sa akin.
"Iyon nga ang issue dito e, hindi ako okay. Masama pa rin ang loob ko sa iyo at hindi ko alam kung papaano ka patatawarin. Ngunit, heto ako at umuwi pa rin dito para makasama kang muli. Ginawa ko ito dahil gusto ko pa rin na maging maayos tayo, gusto ko pa rin na maging masaya tayo, gusto ko pa rin na mahalin ka kahit ang sakit na." seryoso kong sabi dito.
"Hindi mo ako hihiwalayan?" gulat na tanong nito sa akin.
"Hindi." sagot ko. "Bakit ikaw ba ang makikipaghiwalay sa akin para makasama mo iyong lalaki mo? Si Krint?" tanong ko.
"Emil." tawag nito sa aking pangalan.
"Alam ko ang tungkol sa kaniya, alam ko ang lahat ng tungkol sa kaniya. Ang trabaho niya, kung saan siya naka-tira, family members, mga kaibigan niya, paborito niyang pagkain, inumin, damit, sapatos, at marami pa." ani ko.
"Emil, hindi kita hihiwalayan. Ikaw ang pinipili ko at sigurado na ako dito. Tama ka, kailangan nating ayusin ang relasyon natin." sagot nito.
"Masaya ako na gusto mong ayusin ang relasyon natin, pero gawin natin ito nang paunti-unti hanggang sa bumalik na ang tiwala natin sa isa't isa." ani ko.
Tinanguan ako ni Kevin.
"Gusto mo bang kumain?" tanong niya sa akin.
"Hindi ako nagugutom, matutulog na lang muna siguro ako." sagot ko. "Isa pa, doon muna ako sa guest room, hindi ko pa kaya na makatabi ka sa pag-tulog."
KRINT'S POINT OF VIEW
"Pare, pansin ko lang na parang wala ka sa sarili mo nitong mga nakaraang araw." sambit sa akin ng kasamahan kong nurse at kaibigan na si Tom.
"Masama lang ang gising ko." sagot ko dito.
"Sus! Palagi din na ganito si Alvin kapag nag-aaway sila ni Brandon. Sigurado ako, may hindi kayo pagkakaintindihan ng kasintahan mo.
"Hindi ko siya kasintahan, actually na-reject ako. Noong una ay akala ko may chance kaming dalawa, pero bigla na lang nawala ang pag-asa na iyon na hindi ko alam kung bakit." seryoso kong sagot.
"Baka dahil sa ibang lalaki, baka may mas nagustuhan siya." sabi ni Tom.
"Iyon nga, ang sabi niya sa akin ay may iba siyang mahal. Ang hindi ko lang maintindihan, ipinaramdam niya sa akin na maaring maging kami, ipinaramdam niya sa akin na walang iba sa buhay niya kung hindi ako lang. Nag-sex pa nga kami nang paulit-ulit e. Kaya nagtaka na lang ako nang bigla niyang sabihin na itigil ko na ang ginagawa kong panliligaw dahil ayaw na niya." pagku-kwento ko.
"Pare, na-itanong mo ba sa kaniya kung may nobyo na siya?" tanong ni Tom.
"Pare, no brainer naman iyon. Hindi ka naman magpapaligaw kung may nobyo ka na." sagot ko.
"Hindi naman malabo ang bagay na iyan. May mga kakilala akong babae na ganiyan din katulad ng babaeng nililigawan mo." ang sabi nito.
"Lalaki ang nang reject sa akin hindi babae." ang sagot ko kay Tom.
Napa-nganga ang aking kaibigan. Parang gulat na gulat ito nang malaman niyang lalaki din ang gusto ko.
Sabagay, hindi naman kasi ako nag-she-share sa kanila ni Alvin. Magka-kaibigan kami, ngunit hindi naman kasi ako sobrang lapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
WHEN YOU'RE NOT AROUND
Mystery / ThrillerKEVIN, KRINT & EMIL WARNING: EXPLICIT CONTENT | Super SPG