CHAPTER SIX

2.5K 13 1
                                    

KEVIN'S POINT OF VIEW

"Kevin?" tawag ng isang lalaki sa aking pangalan.

Nilingon ko ito at napa-ngiti na lamang ako nang makita ko si Chad, si Chad na isa sa mga naka-sex ko sa ospital.

Nilapitan ako nito at nginitian niya ako.

"Kumusta ka? Ang tagal-tagal din kitang sinubukan hanapin, pero hindi na kita nahanap." anang lalaki.

"Pasensya na, busy lang ako sa trabaho." pagdadahilan ko.

"Ganoon ba? Saan ang punta mo?" naka-ngiti nitong tanong sa akin.

"Uuwi na, wala na din naman akong ginagawa sa opisina e." sagot ko dito.

"Nood naman tayo ng sine, libre kita." ani nito.

"Naku hindi na, uuwi na lang talaga ako." sagot ko dito.

"Sige na, pang-bawi mo na lang doon sa nangyari sa anak ko." pangungunsensya nito.

"Chad, wala akong ginawa sa anak mo, siya ang sumemplang sa sasakyan ko." inis kong sagot dito.

"Sorry, hindi naman kita sinisisi." sambit nito.

"Sige na, aalis na ako." paalam ko dito at akma na sana akong maglakad palayo sa kaniya, pero hindi ko na lang nagawa dahil may bigla itong sinabi.

"Emil." heto ang kaniyang winika.

Tinitigan ko nang maiigi si Chad at talagang namutla ako at kinabahan.

"Alam mo ba kaibigan ng inaanak ko si Emil?" tanong nito sa akin.

"Shut up!" mahina kong sagot dito.

"Kilala mo ba si Robi?" tanong nito sa akin.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kaniya.

"Gusto lang naman kasi kitang yayain na manood ng sine, pero ayaw mo akong pagbigyan." naka-ngisi nitong sagot.

"Sasama na ako sa iyo na manood, pero wala kang sasabihin kay Emil kapag nagkita kayo nito." ani ko.

"Ang liit ng mundo, hindi ba? Akalain mo na iyong laging kasama ng inaanak ko kapag nagpupunta ito sa bahay ko e boyfriend mo pala." sambit nito.

"Chad, sige na, pumapayag na ako na manood tayo ng sine." sagot ko dito.

Tumango-tango si Chad at saka ito ngumiti.

Nagtungo kami ni Chad sa isang lumang sinehan at sa buong buhay ko e ngayon lang ako naka punta dito.

Bold ang tema ng panonoorin namin ni Chad at sa totoo lang, purong ganito lamang naman ang mapapanood mo dito.

"Look What I Found" ang pamagat ng pelikulang aming panonoorin. Gay movie ito na tungkol sa limang magka-kapatid na palihim na nakikipagtalik sa isa't isa.

Pagkapasok pa lang namin sa loob ng sinehan ay kinilabutan na ako. Masyadong madilim dito at iilan lang din ang nakikita kong nanonood.

May napansin din ako na may kakaibang nangyayari sa loob ng sinehan. Kita ko na karamihan ng mga nanonood ay hindi naman talaga nanonood.

May kaniya-kaniyang mga kasama ang mga ito at pawang gumagawa ng milagro.

Dito, napagtanto ko na kaagad kung ano ang ginagawa namin dito ni Chad.

Inihanda ko ang aking sarili dahil alam ko na magkakasala na naman ako kay Emil upang mapagtakpan ko ang kasalanan ko sa kaniya.

"Dito tayo." pag-aaya sa akin ni Chad.

Umupo kami sa may dulong gilid at mula dito ay mas nakikita ko kung ano ang nangyayari sa loob nitong sinehan.

Nagsusubuan ng ari ang karamihan habang ang iba naman ay nagkakantutan.

WHEN YOU'RE NOT AROUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon