CHAPTER FIVE

2.6K 16 2
                                    

KEVIN'S POINT OF VIEW

"Emil, kahapon pa kita hinahanap, saan ka ba nagpunta?" nag-aalala kong tanong sa aking nobyo.

"Nagpapatawa ka ba? Pagkatapos ng lahat ng mga ginawa mo sa akin e sa tingin mo magiging okay talaga tayo?" ang tanong ko dito.

"Emil nagkakamali ka, iyong nakita mo na ginagawa namin ni Krint e hindi ko alam kung bakit ko ginawa. Basta libog na libog ako at ang tanging gusto ko lang ay makapag-paraos." ang sagot ko sa aking nobyo.

"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin dahil makikipaghiwalay na ako sa iyo. Kukuha lang ako ng kaunti kong mga gamit dito at doon muna ako sa club ni Javier mananatili hanggang hindi ka pa nakaka-alis dito sa bahay ko." sambit niya.

Tumulo ang aking mga luha at saka ako lumapit kay Emil. Tinitigan ko siya nang mabuti at saka ko hinawakan ang kaniyang mga kamay.

"Alam ko na kahit anong paliwanag ko e may kasalanan pa rin ako sa iyo. Kaya hihingi na lang ako ng tawad at isa pang pagkakataon upang mapatunayan ko sa iyo na kaya kong itama ang mga pagkakamali ko." emosyonal at humihikbing sabi ko sa kaniya.

"We're done at wala na akong gustong maging ugnayan pa sa iyo. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin at hinding-hindi ko kakalimutan ang mga nangyari." seryoso nitong sabi at saka siya bumitaw sa pagkakahawak ko sa kaniyang mga kamay.

Naglakad ito palayo sa akin at saka siya nagtungo sa aming kwarto.

PAUL'S POINT OF VIEW

"Hiwalay na sina Kevin at Emil, hindi ka ba masaya?" tanong ko kay Krint.

"Papaano ako magiging masaya kung hindi ko naman kasama si Kevin? Hindi ako gustong kausapin nito at ayaw din niya akong makita." sagot niya.

"Ipilit mo ang sarili mo. Nagustuhan ka na ni Kevin dati, walang mawawala kung ipipilit mo pa rin ang sarili mo ngayon." sambit ko.

"E si Emil papaano na?" tanong nito.

"Ako na ang bahala kay Emil." naka-ngisi kong sabi.

"Masaya ka ba sa ginawa natin?" tanong sa akin ni Krint.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging masaya?" tugon at tanong ko sa kaniya.

"Wala na sina Emil at Kevin, pwedeng-pwede nang maging akin si Kevin kung tutuusin, pero hindi ako masaya." sagot nito sa akin.

"Nagi-guilty ka lang sa ginawa natin, normal lang iyon. Kapag naging kayo na ni Kevin at nagsasama na kayo, makakalimutan mo na rin iyang guilt-guilt na iyan." sambit ko.

JAVIER'S POINT OF VIEW

"Nagkita ba kayo ni Kevin?" tanong ko sa aking kaibigan.

"Oo." sagot niya.

"Nag-usap ba kayo?" tanong ko.

"Hindi naman kami dapat pang mag-usap e." sagot niya.

"Emil, alam ko na mahal mo si Kevin. Oo, sabihin na natin na nagkamali siya, pero sana ay bigyan mo pa rin siya ng chance na magbago. Bigyan mo ng chance ang pagmamahalan ninyo." ani ko.

"Jav, nagpapatawa ka ba? Hindi lang naman ito ang unang beses na nagloko si Kevin. Binigyan ko na siya ng pagkakataon, pero ginago pa rin niya ako." sagot nito.

"Hindi mo ba kaya na bigyan siya ulit ng pagkakataon?" tanong ko.

"Hindi ko alam kung kaya ko, pero kung sasagutin ko ito ngayon, sasabihin ko na hindi kasi galit na galit ako." sagot niya.

"Sana ay maging maayos pa rin talaga kayo. Sayang ang pagmamahalan ninyo. Lahat naman ay dumadaan sa mga ganitong pagsubok kaya sana pagdaanan na lang ninyo." sambit ko.

WHEN YOU'RE NOT AROUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon