CHAPTER SEVEN

2K 18 0
                                    

KEVIN'S POINT OF VIEW

"Sino ba kasing ipapakilala mo sa akin?" masaya kong tanong kay Emil.

"Kaibigan ko, kasama siya sa barkada, hindi ko lang siya naipakilala sa iyo dahil matagal siyang nasa Australia." naka-ngiting sagot sa akin ng aking nobyo.

Tumango-tango na lang ako.

Bumaba kami sa sasakyan niya at kasunod nito ay pumasok na kami sa bahay nina Robi, isa sa mga matatalik niyang kaibigan.

Kaagad kaming tumungo sa may patio dahil doon naman kasi madalas lagi nagkikita-kita ang mag-kaibigan.

Sinalubong ako ni Robi at niyakap nang mahigpit. Ganoon din ang ginawa nina Rust, Blake, at Daniel.

"Kumusta kayong lahat? Ang tagal ko din kayong hindi nakita ah." masaya kong sabi sa kanila.

"Oo nga, ikaw kasi e hindi ka na sumasama kay Emil. Madalang na lang ngang pumunta si Emil, tapos ikaw din e ganoon." sabi sa akin ni Blake.

"Nagsalita ang madalas na sumasama sa gimmick ng barkada. Ikaw nga ang pinaka-madalang pumunta e." ang sabi naman ni Rust kay Blake.

Nailing na lang ako at saka inilibot ang aking mga mata sa paligid ng lugar.

Wala naman akong bagong mukha na nakikita dahil kilala ko naman silang lahat. Kung ganoon, sino ang sinasbi ni Emil na ipapakilala niya sa akin.

"Sino iyong sinasabi mo na ipapakilala mo sa akin?" tanong ko kay Emil.

"Ah oo, si Kerby." naka-ngiting sagot nito.

"Kerby?" tanong ko.

"Oo, iyon iyong pangalan ng kaibigan ko." sagot sa akin ni Emil. "Nasaan na ba ang mokong na iyon?" tanong pa niya sa kaniyang mga kaibigan.

"Oo, nasa banyo lang. Ang takaw kasi, inubos iyong dala kong sisig." sagot ni Blake sa nobyo ko.

"O ayan na pala." ang sabi ni Daniel sabay turo sa lalaking bagong dating.

Nagka-titigan kami ng lalaki at sabay na nang-laki ang aming mga mata nang mapagtanto namin ang nagaganap.

Napa-lunok ako ng aking laway at napa-yuko ng aking ulo.

"May bago pala sa barkada?" tanong ni Kerby sa kaniyang mga kaibigan.

"Oo." sagot naman ni Emil.

"Kilala ko siya." naka-ngiting sabi ni Kerby.

Gusto kong palamon sa lupa kung pwede lang. Hindi ko maintindihan kung hindi alam ni Kerby ang mga nangyayari o baka naman sinasadya na lang niya ito.

Nilapitan pa ako ng loko at saka binigyan ng ngiti na hindi ko alam kung nang-aasar o ano.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Emil sa kaibigan.

"Oo naman, siya iyong sinasabi ko sa inyo na naka-sex ko, kasama iyong boyfriend niya." sagot ni Kerby kay Emil.

Hindi ako makapaniwala na nilaglag ako ni Kerby. Hindi ko inaakala na ganoon-ganoon na lang e magsasabi siya ng totoo.

Hinawakan ni Emil ang balikat ko at iniharap ako nito sa kaniya. May mga luha nang tumulo sa mga luha ng lalaki at kita ko ang galit sa mukha nito.

Akmang susuntikin na ako nito nang biglang marinig namin si Kerby na tumawa nang malakas.

Sabay kaming napa-lingon ni Emil sa kaniyang kaibigan at napa-tunganga na lang ako nang makitang halos maubusan na ng hininga ang gago sa pagtawa.

"Hindi ka pa rin nagbabago Emil, ang dali mo pa rin na utuin. Hindi mo man lang inalam kung totoo ang sinasabi ko o hindi. Basta ka na lang nag-re-react." anang Kerby.

WHEN YOU'RE NOT AROUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon