Prologue

273 3 0
                                    

Prologue

Lake tahoe, Nevada

IBINABA ni vinice ang sun goggles sa mukha mukha niya at itinaasang ski pole upang kawayan ang kapatid na nasa last slope nito.

Gumanti ng kaway si Vincent at sinenyasan siyang bumalik na. nakangiti niyang nilapitan ang kapatid na tila walang kapaguran. Mahusay itong skier kung ihahambing sa kanya na ang pinipili ay ang gentler slopes o iyong medaling rata.

"tired so easily?" nakangiting bungad nito. Itinukod sa niyebe ang ski pole.

"okay na ako, Vincent. Alam mo namang hindi kita kayang tagalan." Nakangiti ring wika niya sa kapatid.

"babalik na ako sa hotel."

"let's go then." Anitong nauna nang humakbang.

"you don't have to. Kaya ko namang umuwing mag-isa..." hindi niya gustong awatin ang kapatid sa pag-i-skiing pa nito.

"pagod na rin ako. Isa pa'y may mahalagang bagay tayong pag-uusapan, my dear little sister." Seryosong wika nito.

"sounds important..." aniya at sinundan ng tanaw ang likod ni Vincent at sinikap na makaagapay rito.

"sa hotel na natin pag-usapan."

Sa loob ng kotse ay walang kibuan ang mag-kapatid. Si vinice ay may agam-agam sa dibdib.

Tatlong araw na mula ng dumating siya dito sa Nevada. Alam niyang hindi siya papupuntahin dito ni Vincent kung hindi mahalaga ang dahilan.

Taon-taon ay entitled siya sa isang out-of-the-country vacation. Subalit sa taong ito ay pangalawang beses na niyang paglabas sa pilipinas, at sa pagitan lamang ng pitong buwan.

"I'll give you thirty minutes to shower and dress. Hihintayin kita sa restaurant sa ibaba." Wika ng lalaki ng nasa tapat na ng silid ni vinice. Isang tango ang naging tugon ng dalaga sa kapatid.

Pagkatapos ay nagtuloy na si Vincent patungo sa sariling hotel room.

Kinuha ni vinice ang susi mula sa shoulder bag at binuksan ang pinto ng silid. Nag-shower siya at nag-bihis ng square pants ang silk blouse. Matapos mag-lagay ng kaunting make-up ay bumaba na.

"you're ten minutes late." Ani ni Vincent na hinila ang upuan sa tabi nito upang paupuin siya.

"malapit na kitang sunduin." May himig ng iritasyon ang tinig nito.

"you're very impatient today, vince. Bakit ba?" malambing niyang sabi kasabay ng pag-upo. "kung ang sasabihin mo lang sa akin ay mag-aasawa ka na, well, I'm telling you na matagal ko ng hinihintay iyon."

Hindi sumagot ang binata at sinenyasan ang maitre'd. ni hindi siya tinatanong kung ano ang gusto niya. Ito na mismo ang nagbigay ng order nila.

Pagka-alis ng waiter ay mataman niyang tinitigan ang kapatid.

"now what?" itinaas niya ang dalawang braso sa mesa, itinukod doon ang baba niya't nginitian ang kapatid. "pilipina rin ba ang babaeng ito o foreigner?" patuloy niya sa panunukso.

"you're right. Tungkol sa pag-aasawa ang sasabihin ko sa iyo. Pero hindi sa akin."

Nagsalubong ang mga kilay niya sa tinuran nito.

"kanino?" curious na tanong niya.

"I'll tell you later, pero gusto kong ipaalam sa iyo na may problema ako... at kailangan ko ng tulong mo."

Matiim na napatitig sa kapatid ang dalaga. Hindi niya kailanman naringgang nagka-problema si Vincent. Siya ang lagging ganoon. She's twenty two at matanda si Vincent sa kanya ng labin-dalawang taon.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon