Chapter 2

189 6 1
                                    

Chapter 2

Malayo pa si vinice ay natanaw na niya ang sign post, hacienda Ramona. Kumaliwa siya at tinunton ang mabatong daan. Sa paligid ng daan ay ang malawak na taniman ng tabako na kay gaganda ng tubo. Pagkatapos ay sa kanan niyay walang katapusang taniman ng mais na ang duloy hindi niya maabot ng tanaw. Ganoon din kalawak ang taniman ng mga bawang.


Ang asawa niyay totoong maykaya sa buhay. Maliban pa sa kaunting negosyo nito sa ibang bansa na sa kanya. Maging si Vincent ay walang ibinigay na impormasyon.


Hindi rin naman siya interesado at sunod-sunuran lamang sa sinsabi nito.

Matapos ang sampung minuto pagtakbo ng kotse ay isang malaki at magandang bahay ang natanaw niya na yari sa adobe at malaking narra.


Isang antigong bahay na tipikal sa bayang ito. Napapaligiran ito ng sarisaring magagandang halaman. Mga namumulaklak na halaman at may mga orkidyas na ibat iba ang kulay. Sa tingin niyay alaga ng mapagpalang kamay ang mga halaman.


Tatlong sasakyan ang natatanaw niya sa garahe. Isang pick-up truck na luma na at marahil ay ginagamit sa plantasyon. Isang four-wheel drive strada pick up na kulay salmon at silver, at isang modelong cruiser.


Isang nakasombrerong matandang lalaki ang lumapit sa kanya ng pumarada siya sa likod ng mga pick up. Ibinaba niya ang windshield.

"may sadya ho ba kayo kay Mr. Martinez? Miss?" magalang na tanong ng matandang lalaki na nag-alis ng sombrero.

Nagsalubong ang mga kilay ni vinice. May Mr. Martinez ba? Ang alam niyay biyuda na ang stepmother ni france ayon ditto. May pitong taong ng namatay ang ama nito.


Nag-alis siya ng bara ng lalamunan bago nagsalita. "ako si vinice. Vinice Belmonte Martinez, ang asawa ni france. Inaasahan ako ni donya Ramona.." aniyang itinuon ang mga mata sa bahay.


Isang ngiti ang pinakawalan ng matanda. "naku, magandang hapon ho sa inyo ma'am! Halina ho kayo at kaninang umaga pa kayo hinihintay ni donya Ramona." Ang matandang lalaki na mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse niya.

Umibis siya. Napakasarap i-stretch ang mga binti pagkatpos kulang ng kulang anim na oras na biyahe mula maynila.

"may mga bagahe po ba kayo?"

"nasa trunk ng kotse ang iba." Nilingon niya ang likuran ng kotse na kung saan naroon ang isa pa niyang bag. Pagkatapos ay lumakad siya patungo sa patio. Ng biglang bumukas ang pinto sumungaw ang isang matandang babae na marahil ang stephmother ni france. Tantiya niyay bata a lamang kay france ng sampung taon.

"vinice..?" alanganin salubong ng matanda kasabay ng paghagod ng tingin sa kanya.


Inilahad niya ang kanyang kamay. "Ako nga ho,kamusta po kayo.."

Inabot ng matanda ang kamay ni vinice kasabay ng pagyakap sa kanya. "nakarating ka rin sawakas hija. Kanina pa kita hinhintay."


"na-flat-an ho ako sa daan kaya medyo natagalan ako at hindi ako gaanong makapagtakbo ng matulin dahil baka lumampas ako sa itinuro ninyong daan."paliwanag niya.


"ang nasa isip ko nga ay baka naligaw ka. Halika sa loob hija." Nilingon nito ang matandang lalaki.


"ipasok na ninyo ang mga gamit ni vinice, mang pasyo."

Inakay siya ng matandang babae papasok sa loob ng bahay, "maupo ka,hija." Itinuro nito ang isang antigong upuang narra na may sulihiya s gitna.

Mga antigong kasangkapan ang laman ng kabahayan.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon