2

16 1 0
                                        



Huminto na ang sinasakyan namin at mukhang nagdadalawang isip pa itong driver nila.

"Kuya, act mo look kabado"

Pahamak na bata. Pilit akong ngumiti at pinisil ang pisngi niya hanggang sa mamula. Napatingin ako sa windshield na unti-unting bumaba.

"Yo, Cra—" Napahinto si Kristian sa pagsasalita nang hindi makita ang kapatid sa frontseat. Nagtama ang tingin namin at gulat ang reaksyon niya, pinakalma ko ang sarili ko at sinalubong ang mga tingin niya na parang wala lang.

"Hi kuya! I'm with kuya Lester oh!" Naagaw ni Crain ang atensyon ko at mahigpit akong niyakap.

"Here, uwi niyo sa bahay. Pasabi na rin kila mom and dad na gabi na ako makakauwi" Iniabot niya yung dalawang box ng krispy kreme na nagpa kinang ng mata ko.

Shet!

"Be a good boy Crain. I'm watching you" Sinenyasan niya pa ang kapatid at nagtama nanaman ang tingin namin.

"Let's talk later" Tumalikod na siya at nagpaalam na kay Rendon at Crain.

🤕

Hindi ko na namalayan ang oras simula nang makapunta ulit ako rito sa bahay nila. Wala pa rin pinag bago, simple lang pero ang lakas ng dating. Nasa kwarto kami ngayon ni Crain at tinutulungan ko siyang gumawa ng project niya. Shempre ako lang yung nag explain sakanya at titignan kung tama ba yung ginagawa niya. Nakaramdam ako ng antok namg may ipakita nanaman siyang drawing. Napapikit-pikit pa alo saglit bago titigan ang gawa niya.

"Ganda! Pahinga ka muna ha. Mag rest muna ako kaunti" Sabi ko at humiga sa sahig. Hindi ko muna kinapalan ang mukha ko dahil maganda kasi ang pagkaka ayos ng kama niya at ayokong sirain yun. Hayaan ko na yung may ari.

"Okay po kuya Lester" Naging tahimik na ang paligid namin at mabilis lang akong nakatulog nang mapikit ko ang mga mata ko dahil na siguro sa sobrang pagod.

Napadilat nalang ako ng may maramdaman akong tumutusok sa kaliwang pisngi ko. Nag-unat muna ako bago tignan ang malabong imahe na nasa harapan ko, sino ba 'tong babae na 'to? Kinusot ko ang magkabila kong mata at nang medyo umayos na ang tingin ko ay mabilis akong umupo at ngumiti.

Mommy pala nila.

"Hello po tita, kayo po pala" Nahihiya ko pang bati habang nakatakip sa bibig ko. Mahirap na at baka bad breathe ang bakla.

"Bumaba na tayo at kumain, marami tayong dapat pag-usapan" Nakangisi pa siya habang sinasabi 'yon. Inalalayan niya akong tumayo at kaagad na hinatak pababa papunta sa kusina. Teka, anong oras na ba at inaaya na akong kumain.

"Lester! Long time no see, give me a hug!"  Bungad saakin ng daddy nila, humiwalay naman ang mommy nila sa pagkakayakap sa braso ko kaya ako naman itong nahihiyang lumalit kay tito at yumakap.

"Kumusta kana anak?"

"Okay lang po, naging sexy lalo" Pagbibiro ko at sabay-sabay pa silang tumawa at pagkatapos no'n ay umupo na ako sa tabi ni Crain.

"Kumusta nga pala ang pag-aaral mo?"

"Okay lang naman po, kaya pa naman" Nakangisi ko pang sagot at nag sandok ng kanin at pasimpleng kumuha ng pritong manok. Marami naman pero iba kasi talaga yung lasa ng ulam nila rito, para kang kumakain sa mamahalin na restaurant.

"Ano po palang meron bakit maraming luto?"

"Kase nandito ka, alam mo naman na ngayon kalang ulit napunta rito, shempre dapat pag handaan!" Parang gusto ko nalang maiyak sa tuwa, grabe naman sila magmahal sa'kin. Sa'min kasi ay pinaghahandaan nila kung paano ako inisin hanggang sa magwala ako sa bahay.

"Manang tama na 'yan at kumain na tayo. Rendon tama na rin 'yang pag punas ng sasakyan!" Para bang scripted ang pag sagot nila ng sabay-sabay. Dumating na rin sila at sabay-sabay na kaming kumain.

Nang matapos kaming kumain at makapag ligpit ay naiwan ako kasama ang mag asawa rito sa kusina habang si Crain naman ay abala sa pag color ng project niya sa tabi ko.

"Crain are you done?" Tumango naman ang anak nila. "Okay, go to your room na at mag-uusap lang kami ni kuya Lester mo, okay?"

"Okay po mommy, bye kuya Lester! Akyat ka sa room ko ah" Tumango lang ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makapasok 'to sa kwarto.

"Kumusta na nga pala kayo ni Kristian?
Napapansin namin ng tita mo laging nag-iinom ang batang 'yon. Nag away ba kayo?" Halos mabulunan ako sa biglaang tanong ng Daddy nila. Napa-inom tuloy ako ng tubig, grabe naman ang tanungan ngayon.

"Ahhh, nakipag hiwalay na po kasi ako" Gulat ang nakita ko sa mga reaksyon nila, pati na rin si Rendon na humihigop ng sabaw ay nabitawan ang kutchara dahil sa sinabi ko.

"Kelan pa 'yan 'nak?"

"Matagal na po, mga tatlong b'wan na rin, pero okay na po ako" Todo ang ngiti ko sakanila at hindi parin mawala sa mukha nila ang pagka gulat.

"Bakit, paano?" Parang hindi makapaniwala ang daddy nila. Gusto ko sanang sabihin ang lahat pero sa tingin ko ay mas mabuti kung si Kristian na ang magsabi.

Napatingin tuloy ako sa chandelier nila dahil naramdaman ko ang pagtutubig ng mata ko.

Akala ko naman okay na ako. Pero kapag naalala ko yung ginawa niya ay bumabalik yung mga tanong na bigla nalang pumapasok sa isip ko.

Sobrang pangit ko ba? Tangina...

Naramdaman ko ang kamay ng mommy nila sa likuran ko at pinisil-pisil ang braso ko. Dapat hindi ako maiyak dito.

Nakakahiya.

Natigilan kaming lahat nang may biglang kumatok sa front door. Tumayo si manang para buksan ito.

"Ay jusko po ginoo!"

Napatingin kami kaagad kay manang dahil sa lakas ng sigaw niya. Napatayo na si tito at sabay pa silang mag asawa na pumunta kay manang.

"Sir Kristian 'yan" Biglang sambit ni Rendon.

"Lasing" Pahabol niya.

"As in—"

"Oo naman ser. Masira na nga ata atay niyan"

Nakangisi pa siya habang napapa-iling. Sumilip ako sandali at nang makita ko si Kristian na naka-handusay na sa sahig ay ibinalik ko ang tingin kay Rendon.

Kung ganyan siya simula no'n. Matagal na...

Hindi naman siya sanay uminom... Walang bisyo kahit isa dahil kapag galing sa skwela ay diretcho bahay na agad pagka hatid sa'kin.

Kasalanan ko ba?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now